CAMP GEN. ALEJO S. SANTOS, Lungsod ng Malolos, Bulacan —Matagumpay na naaresto ng mga tauhan ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Santa Maria Municipal Police Station ang isang drug suspect sa isinagawang buy-bust operation nitong Martes, Nobyembre 5 sa Brgy. Camangyanan, Santa Maria, Bulacan.
Kinilala ni PLTCOL. MARK LOUIE M. SIGUA, Acting Chief of Police ng Santa Maria MPS, ang naarestong suspek na si alyas Pepeng, 42 taong gulang at residente ng Sitio Kaybitin sa nasabing barangay.

Nasamsam mula sa suspek ang humigit-kumulang 25 gramo ng hinihinalang shabu na tinatayang nagkakahalaga ng 170 libong piso base sa standard drug price at narekober din ang gunsmith na buy-bust money.
Dinala si alyas Pepeng at mga nakuhang ebidensiya sa Santa Maria MPS para sa kaukulang dokumentasyon at disposisyon at iniihahanda na ang kasong paglabag sa Section 5 at Section 11, Article II ng Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) para maisampa sa Office of the Provincial Prosecutor ng Bulacan.
Sinabi naman ni PCOL. ANGEL L. GARCILLANO, Provincial Director ng Bulacan Police Provincial Office na determinado ang mga kapulisan ng Bulacan sa pagsugpo ng mga iligal na droga na nagreresulta ng tagumpay ng kanilang mga operasyon.
“Ang patuloy na tagumpay ng ating mga anti-illegal drug operations ay patunay ng determinasyon ng Bulacan PNP sa pagsugpo ng ilegal na droga sa lalawigan. Mananatiling aktibo at matatag ang ating kapulisan sa pagpapatupad ng batas at pangangalaga sa kapayapaan at seguridad ng bawat Bulakenyo,”aniya. ###






