DILIMAN, Lunsod ng Quezon – 20 obrang painting ang itinanghal sa isinagawang Kabataan Painting Exhibit ng DOST-National Research Council of the Philippines o NRCP na kanilang sinimulan nitong Martes, Hunyo 28 sa UP Town Center, Diliman sa lunsod na ito.
Tatlong araw itinanghal sa nasabing exhibit ang mga obra na likha ng mga estudyante mula sa iba’t-ibang pamantasan at unibersidad sa buong bansa.
Ang 20 obra ang napiling itanghal mula sa 67 na sumali sa proyektong NRCP-QCP Kabataan Painting Competition.
Nagsilbig mga hurado sa kompetisyon ang 2 propesor ng College of Fine Arts ng University of the Philippines Diliman na sina Prof. Benjie Cabangis at dating Dekano Prof. Emeritus Nestor Vinluan.
Nilayon naman NRCP sa magkatuwang na pamumuno nina President Dr. Cristine D. Villagonzo, rer.nat.
at Executive Director Dr. Marieta Banez Sumagaysay na maging daan ang nasabing exhibit na maenganyo ang kabataang Pilipino sa National Quincentennial Commemoration o pag-alala sa Ika-500 taong anibersaryo ng tagumpay ni Lapulapu sa Battle of Mactan laban sa mga Kastila.
Umaasa din ang NRCP na maipakita ng mga napiling obra para sa exhibit na nagmula sa nilahok sa kompetisyon na mapalalim ang kamalayan ng mga estudyanteng kolehiyo sa pambansang kasaysayan at kultura sa pamamagitan ng sining.
Inihayag naman ni Exec. Dir. Sumagaysay sa pamamagitan ng audio visual recording na nagawan nila ng platform ang kabataang Pilipino na makapaghayag ng
saloobin sa pamamagitan nang pagpinta.
” NRCP provides a platform from Filipino young artists to express their dreams, insights, sentiments and conceptions thru the canvass and a paint brush. NRCP is pleased to share with you the creations of the youth as they use skalars, hues and shapes giving life to the inspirations and conveyed by quincentennial commemorations of circumnavigation of the world,” ani Exec. Dir. Sumagaysay.
Inaanyayahan din ni Exec. Dir. Sumagaysay ang lahat na bisitahin ang virtual exhibit ng mga obra.
“Tara nang makiisa sa boses at sa pagiging malikhain sa masining na pagpapahayag ng mga kabataang Pilipino,'” ani Exec. Dir. Sumagaysay.
Pinayuhan naman ni Prof. Vinluan ang mga nagpinta nang napiling 20 obra gaya nang naging payo niya sa kanyang mga estudyante.
“Meditate something that you would like to sitdown, let ideas flow freely and write your observations to develop your skills, critical thinking and your creative minds,” ani Vinluan.
” All of you are winners, you have put up to the challenge of NCRP’s Art Competition. I therefore congratulate all of you, keep working on your art and be inspired,” pagtatapos ng propesor.
Dumalo rin sa nasabing aktibidad ang ilang opisyal ng NRCP na sina Dr. Joyce Arriola, Regular Member ng Division of Humanities na nagbigay ng kanyang pambungad na pananalita, Dr. Gerardo Petilla, Chief ng Finance and Administrative Division na nagbigay nang panimulang impormasyon patungkol sa exhibit at Dr. Cristina Nelmida-Flores, Professor sa UP Diliman at nagsilbing guro ng palatuntunan.