Kasama ni Mayor Atty. Christian D. Natividad ang ilan sa 20 Malolenyong nagtapos ng Beautty Care NC II sa City of Malolos Training Center, matapos magbigay-pugay sa alkalde ang mga trainee ng programang dagdag kaalaman ng Pamahalaaang Lunsod ng Malolos. Nasa larawan din ang mga opisyal ng City Training, Employment and Cooperative Office o CTECO sa pangunguna ni OIC Engr. Reynaldo Garcia, Training Division Focal Person Cherry Mendoza at Division Chief Marianne Mendoza. - Malolos CIO

LUNSOD NG MALOLOS, Bulacan – 33 Malolenyo ang nagtapos nitong
Miyerkules, Nobyembre 2 sa sa City of Malolos Traning Center o CMTC
sa Brgy. San Agustin ng lunsod na ito.
Ang CMTC isang institusyon na accredited ng Technical Education and
Skills Development Authority o TESDA na nag-aalok ng mga Technical
and Vocational Education and Training Course sa ilalim ng TESDA at
Commission on Higher Education o CHED.
Sa kabuoang 33 benepisyaryo, 20 rito ay nagtapos ng Beauty Care NCII at
13 naman ang nagtapos sa kursong Food and Beverage Services NCII.
Tumanggap ang 33 trainee ng kani-kanilang katibayan ng pagtatapos sa
Pamahalaang Lunsod ng Malolos at dala ang kasanayang magagamit sa
pagkakakitaan.
Nagbigay-pugay din kay Mayor Atty. Christian D. Natividad ang mga
nagsipagtapos at buong pagmamalaking ipinakita ang mga sertipikasyong
natanggap, na bunga ng kanilang pagtitiyaga at dedikasyon.
Sa kanyang mensahe sa mga kababayag pilit na iniaangat ang kanilang
pamumuhay, hinimok ni Mayor Natividad ang mga nagsipagtapos na
patuloy na magsumikap na makakuha ng karagdagang kaalaman na

makakatulong sa pagpapaunlad ng kanilang mga kabuhayan sa mga
susunod na panahon.
Pinangasiwaan ng City Training, Employment and Cooperative Office o
CTECO ang naturang Araw ng Pagtatapos at pagsama sa mga
nagsipagtapos sa pagbibigay-pugay sa butihing alkalde sa pangunguna ni
OIC Engr. Reynaldo Garcia kasama sina Training Division Focal Person
Cherry Mendoza at Division Chief Marianne Mendoza.