Sa inisyatiba nina Cong. Pleyto at PBA Party-list Congw. Nograles
BAYAN NG SANTA MARIA, Bulacan – Binasbasan at pinasinayaan ang 4 na bagong gusali sa 4 na paaralan nitong Huwebes, Setyembre 12 sa bayan na ito.
Naunang pinasinayaan ang 2 palapag na gusali ng Garden Village Elementary School sa Brgy. Pulong Buhangin, na pinangunahan nina Congressman Engr. Salvador “Ka Ador” A. Pleyto ng Ika-6 na Distrito ng Bulacan, Atty. Erwin Arbues , kinatawan ni Congresswoman Atty. Margarita Ignacia Nograles ng Puwersa ng Bayaning Atleta o PBA Party-list, at Santa Maria Municipal Administrator Engr. Elmer Clemente, kinatawan ni Mayor Omeng Ramos, kasama sina District Engineer George DC. Santos ng Department of Public Works and Highways Bulacan 2nd District Engineering Office, Regional Director Ronnie Mallari ng Department of Education Regional Office III, at Bokal Jay de Guzman.
May 6 na silid aralan ang bagong gusali na may sukat na 32 x 9.5 meters, at kabuoang floor area na 608 square meters.
Pinondohan ang nasabing proyekto ng halagang P23,879.897.11 na nagmula sa Basic Educational Facilities Fund o BEFF ng taong 2024 at naisakatuparan sa magkatuwang na inisyatiba nina Cong. Pleyto at Congw. Nograles.
Sa kanyang mensahe, sinabi ni Pleyto ang kahalagahan ng bagong gusali.
“Layunin nito na mapunan ang pangangailangan nang isang modernong pasilidad para sa mga mag-aaral ng Brgy. Pulong Buhangin kasama na rin ang kalapit barangay. Ang mga silid-aralan na ito ay dinesenyo para mapunan ang lumalaking bilang ng mga estudyante at kaginhawaan naman sa pagtuturo sa bahagi ng mga guro,” anang mambabatas.
Sunund-sunod na pinasinayaan ang mga 3 pang bagong 2- palapag na gusali sa Balasing Elementary School, Lalakhan Elementary School at Sta. Cruz, Elementary School na pare-parehong may 4 na silid-aralan.
Buong suporta naman sinaksihan ng bawat opisyal ng DepEd ang pagpapasinaya sa mga pasilidad sa pangunguna ni Dr. Norma Esteban, Schools Division Superintendent kasama sina Dr. Cecilia Buenaventura, Dr. Marilou Cruz, at
Dr. Leonora Bergado
Gayundin ang suportang ibinigay sa proyekto ng bawat punong barangay na nakasasakop sa lokasyon ng paaralan sa pangunguna nina Kapitan Ricky Buenaventura ng Brgy. Pulong Buhangin, Kap. Quirino Lapig ng Brgy. Balasing, Kap. Aldrin Guballa ng Brgy. Lalakhan, at Kap. Resty dela Cruz ng Brgy. Sta. Cruz. – Ni Harold T. Raymundo
- 30 –