By Perfecto T. Raymundo, Jr.
MANILA –– Pitong job order employees, kabilang ang dalawang bingi, ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) ang sinibak sa tungkulin nang walang makatwirang dahilan.
Ang pagsibak ay isinagawa sa pamamagitan ng Board Resolution ng KWF na may petsang Mayo 13, 2024.
Walong part-time Commissioners ng KWF ang lumagda sa pagpapatibay ng Resolution at tatlong full-time Commissioners ang hindi lumagda.
Ang ginawang ito ng 8 Commissioners ay tahasang pagsuway sa direktang utos ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” R. Marcos, Jr. noong Mayo 1, 2024 na walang sisibaking JOs sa mga sangay ng pamahalaan at pinalawig pa nga ang kanilang kontrata.
Ang KWF Board Resolution ay nagsabing “Prejudicial to the Best Interest of the KWF” ang ginawang pagsasampa ng criminal complaint sa Ombudsman laban sa Tagapangulo ng KWF na si Art Casanova at Iba pa dahil sa di maipaliwanag na pagkawala ng Php1.8 million ng KWF sa hauling tatlong buwan ng 2023.
Ang reklamo ay isinampa ng isa sa pitong sinibak na empleyado nitong Pebrero 2024 sa dahilang di sila pinapasweldo ng ilang buwan na.
Nakaswedo lamang ang mga ito nang inutusan ng Manila Regional Trial Court si Tagapangulong Casanova na paswelduhin na ang pitong kawani.
Ang pitong sinibak na empleyado ay binigyan na lamang na manatili sa kanilang pwesto ng hanggang Hunyo 30, 2024. Ni Perfecto T. Raymundo, Jr.