Oplus_0

CAMP GEN. ALEJO S. SANTOS, Lungsod ng Malolos, Bulacan — Matagumpay na naaresto ng mga tauhan ng Paombong Municipal Police Station ang Municipal Level Most Wanted Person ng nasabing bayan sa ikinasang manhunt operation nitong Huwebes, Nobyembre 6 sa Brgy. Sto. Rosario, Paombong, Bulacan.

Kinilala ni PMAJ DEMOSTHENES G DESIDERIO JR, Acting Chief of Police ng Paombong MPS ang naarestong akusado na si alias Tin, 23 taong gulang at residente ng Brgy. Sto. Rosario.

Isinagawa ang pag-aresto  sa bisa ng Bench Warrant of Arrest para sa kasong Robbery in an Inhabited House or Public Building or Edifice Devoted to Worship (Article 299 of the Revised Penal Code) sa ilalim ng Criminal Case No. 6155-M-2023, na inilabas ni Hon. Francisco Padilla Felizmenio, Presiding Judge ng Regional Trial Court, Branch 19, Malolos City, Bulacan, noong Nobyembre 6 na may inirekomendang piyansang Php 72,000.00.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng Paombong Municipal Police Station ang akusado  para sa kaukulang dokumentasyon bago dalhin sa korte ng pinagmulan para sa wastong disposisyon.

Sinabi naman ni PCOL. ANGEL L. GARCILLANO, Provincial Director ng Bulacan Police Provincial Office, na ang tagumpay ng  operasyon ay bunga ng determinasyon ng kapulisan ng Bulacan sa pagtupad ng kanilang tungkulin.

“Ang matagumpay na pag-aresto sa mga Most Wanted Persons ay patunay ng patuloy na dedikasyon at determinasyon ng ating mga pulis sa pagpapatupad ng batas at pagpapanatili ng kapayapaan sa lalawigan ng Bulacan,” aniya. ###