Kung dati rati’y isang basket o isang malaking latang lalagyan ng pandesal ang dala-dala sa bisikleta nang naglalako sa kalsada, level-up na ngayon, tulad nang nasa larawan na dala-dala ng cart rider na si Paul Sison (kaliwa) ang buong panaderya. Binibiyahe ni Sison sa Rincon Valenzuela tuwing umaga at sa bayan ng Obando (nasa larawan) tuwing hapon sa harap ng makasaysayang Simbahan ng Obando, ang minodify na tricycle, karga ang buong oven na kinakabitan ng tanke ng gas, at may nakahilerang mga pandesal na nakalagay sa mga mahahabang aluminum na tray tulad nang tradisyonal na panaderya.
Kasama nang dating rider ng Lalamove ang kanyang asawang si Dianne at 1 sa kanilang 5 anak na si Portia sa pagbibiyahe at pagtitinda ng pandesal, na kanilang sinimulang pasukin noong nakaraang buwan ng Hunyo lang.
1 sa 2 unit na Nonong’s Pandesal Express ang ikinabubuhay ng Pamilya Sison na pag-mamay-ari ng kababayang abogado sa lunsod ng Valenzuela.