Sa Inisyatibo ni Kinatawan Salvador “Ka Ador” Pleyto
BAYAN NG ANGAT, Bulacan – Patuloy na ipinapamahagi ng Department of Social
Welfare and Development o DSWD ang Assistance to Individuals in Crisis Situation
at ng Department of Labor and Employment ang DOLE Integrated Livelihood
Program o DILP sa Ika-6 na Distrito ng lalawigan.
Nito lang Huwebes, Abril 27, pinangunahan ni Kinatawan Salvador “Ka Ador” A.
Pleyto kasama si Mayor Reynante “Jowar” S. Bautista ang pamamahagi ng AICS at
DILP na kanyang inisyatibo para sa mga Angateno, na isinagawa sa Evacuation
Center ng bayan ng Angat.
Sa ikatlong pagkakataon nang nagsagawa ng AICS payout sa nasabing bayan, na
ikinagalak ni Mayor Bautista, para na rin sa kapakinabangan ng kanyang mga
kababayan.
Kinapapalooban ng financial assistance, medical assistance at burial assistance
ang AICS para sa mga Angatenong kapus palad at dumaranas ng hirap sabuhay.
Sa programang DILP naman, 50 Angatenong maliit na mamumuhunan ang naging
benepisyaryo ng grocery package na nagkakahalaga ng Ph10,00 bawat isa, na
ilalaan upang mapalago ang naitayong maliit na negosyo.
Pinagsusumikapan ni Kinatawan Pleyto na maibaba sa mga nagangailangang
kadistrito ang mga serbisyong makatutulong at magpapaangata kahit papapano
sa kanilang pamumuhay.
Sa kanyang mensahe bago simulan ang pamamahagi ng tulong pinansyal at
pangkabuhayan, inulit muli ni Pleyto ang palagian niyang sinasabi na paglalaan ng
kanyang panahon sa pagseserbisyo sa mga kababayan.
“Ilalaan ko ang nalalabing panahon ng aking buhay para paglingkuran kayong mga
kababayan ko lalo na ang mahihirap na higit na nangangailangan nito,” anang
kinatawan.
Pinasalamatan din ni Kint. Pleyto si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr.,
Bise President Sara Duterte at House Speaker Martin Romualdez, sa pagbibigay sa
kanya ng mas higit na pondong alokasyon para sa kanyang mga kababayan sa
Santa Maria, Angat at Norzagaray.
Pinuri naman ni Mayor Bautista si Kinatawan Pleyto sa lubos na pagkalinga sa
kanyang bayan.
“Mapalad po ang bayan ng Angat dahil nagkaroon tayo ng isang ama na talagang
lilingap at bukas palad sa pagtugon sa lahat ng pangangailangan ng ating bayan
lalo’t higit sa kanyang mamamayan,” anang alkalde.
“Maglalatag pa po kami ng maraming programa, proyekto na alam naming tatatak
at makakatugon sa pangangailangan ng mga mamamayan na aming
nasasakupan,” pagtatapos ni Bautista.
Ibinida naman ni May Gozun, Provincial Director ng DOLE Bulacan, na direct line si
Kint. Pleyto sa kanilang boss na si Kalihim Bienvenido E. Laguesma ng Department
of Labor and Employment.
Sorpresang inihayag din ni PD Gozun kay Mayor Bautista, kaharap si Kinatawan
Pleyto, ang karagdagang Ph500,000 na livelihood program mula sa DOLE para sa
bayan ng Angat.
At sa kanyang mensahe, marami pang programa para sa ika-6 na distrito ang
kanyang inaasahan.
“Looking forward to more and more labor programs with Angat and of course,
District 6,” ani PD Gozun.
Samantala, isinagawa rin ang AICS payout at Distribution ng DILP sa bayan ng
Norzagaray nitong Biyernes, Abril 28 at nauna nang nagpamahagi ang DSWD ng
financial, medical, burial assistance at DOLE ng mga livelihood program sa bayan
ng Santa Maria.