CAMP GEN. ALEJO S. SANTOS, Lungsod ng Malolos, Bulacan —  Matagumpay na naaresto ng mga operatiba ng Provincial Intelligence Unit (PIU)/Provincial Drug Enforcement Unit (PDEU) ng Bulacan Police Provincial Office, katuwang ang Malolos City Police Station, ang isang tulak ng droga sa ikinasang buy-bust operation nitong Martes Nobyembre 11 sa Brgy. Santisima Trinidad sa lunsod na ito

Ayon sa ulat ni PLTCOL. RUSSELL DENNIS E. REBURIANO, Hepe ng PIU Bulacan PPO, nakilala ang suspek na si alyas “Long Hair”, 45 taong gulang, may asawa, at residente ng nasabing barangay.

Narekober mula sa suspek ang isang (1) caliber 22 revolver na walang serial number na kargado ng limang (5) bala; isang (1) medium-sized plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang tuyong dahon ng marijuana na tumitimbang ng tinatayang 4.70 gramo na may Standard Drug Price (SDP) na Php 564.00 dalawang (2) plastic sachet ng hinihinalang shabu na tumitimbang ng humigit-kumulang 1.6 gramo na may SDP na Php 10,880.00; dalawang (2) timbangan, at isang marked money na ginamit sa transaksyon.

Inihahanda na ang kasong kriminal laban sa suspek sa paglabag sa Sections 5 at 11, Article II ng Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) at Republic Act 10591 (Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act).

Sinabi naman ni PCOL. ANGEL L. GARCILLANO, Provincial Director ng Bulacan Police Provincial Office,  na ang matagumpay na pagkakaaresto sa armadong tulak ay bunga ng patuloy na maigting na operasyon ng kapulisan ng Bulacan laban sa iligal na droga at mga krimeng may kinalaman sa baril.

Mananatili aniyang matatag ang Bulacan Police sa pagpapatupad ng batas at sa pangangalaga ng kapayapaan sa buong lalawigan. ###