Ang mga opisyal ng Brgy. Calantipay, Lunsod ng Baliwag kasama ang mga opisyal ng lalawigan sa pangunguna ni Gobernador Daniel R. Fernando, sa kanilang pagwawagi ng unang pwesto para sa Best Provincial Gulayan sa Barangay 2024 at nag-uwi ng P30,000 perang papremyo, na iginawad sa ginanap na Lingguhang Pagtataas ng  Watawat nitong Lunes, Eneron 6 sa Bulacan Capitol Gymnasium, Lunsod ng Malolos, Bulacan. Makikita rin sa larawan Sina (likurang hanay, mula kaliwa) Department of the Interior and Local Government-Bulacan Provincial Director Myrvi Apostol-Fabia, Bokal Romina D. Fermin, Bise Gobernador Alex C. Castro, mga Bokal Romeo V. Castro, Jr., Richard A. Roque, Raul A. Mariano, Fortunato SJ. Angeles, at Pinuno ng Provincial Agriculture Office Ma. Gloria SF. Carrillo. — PPAO