36.8 C
Bulacan
Thursday, April 25, 2024
Home Blog Page 21

SM CITY BALIWAG’S CASTAWAY DRAWS 25K RECORD BREAKING ATTENDANCE 

0
Castaway Music Festival at SM City Baliwag became a fusion of OPM bliss, an unparalleled sound system, spectacular lights, and stage effects, captivating 25,000 music fans in Bulacan.

Castaway Music Festival, the first major music event at SM City Baliwag that took place after the global COVID-19 pandemic, marked a resounding success as it showcased an extraordinary lineup of homegrown artists and ignited the spirits of music lovers in the province of Bulacan. With a record-breaking attendance of 25,000 music enthusiasts, the festival united a variety of talented performers, setting the stage for a vibrant post-pandemic music scene as it created an unforgettable experience of live music, community, and unity among festival goers. 

The Castaway Music Festival has become renowned in the province of Bulacan for its ability to captivate music enthusiasts of all ages, drawing them in with its impressive lineup of talented performers from the local music scene. Looking back at the 2019 edition, the festival showcased the very best of Philippine OPM bands, featuring unforgettable performances by revered acts like Side A, the legendary rock band True Faith, and the soulful group Freestyle. This year’s festival followed suit, presenting a diverse lineup that included both rising stars and beloved favorites. Artists such as Leona and Similar Sky graced the festival’s stage, leaving the audience awestruck with their extraordinary talent. 

One of the prominent acts to headline the festival was Silent Sanctuary, an acclaimed Filipino band known for their distinctive fusion of alternative rock and pop. Their music filled the air, captivating everyone with their renditions of timeless hits that have characterized the band’s growth over time.  

Completing the formidable lineup for this year’s Castaway Music Fest was the explosive alternative rock band Sandiwa, whose raw energy resounded through the venue, leaving everyone craving for more. 

Beyond the captivating performances, the Castaway Music Festival also brought to life an immersive sensory experience, combining an unparalleled sound system, breathtaking light displays, and awe-inspiring stage effects. The atmosphere buzzed with an electrifying energy that permeated through the crowd, amplifying the overall experience and taking it to new and unparalleled heights. 

Dubbed one of SM’s most exciting events, the Castaway Music Festival highlights the Philippines’ best music artists in a touring concert. This festival, honored with the 2018 Silver Award for Innovation in Entertainment Events at the prestigious Asia Pacific Stevie Awards, captivates the heart of North Luzon as it traverses 11 selected SM Supermalls, with a grand culmination at SM City Baliwag. 

Castaway is one of the many exciting activities in SM North Luzon malls, held as a way of thanking shoppers. While creating moments of connection with customers, it also aims to foster patronage of Filipino music. – PR

11,362 job openings generated in SM, DOLE Job Fairs

0
Jobseekers check out the posted job vacancies at the Labor Day Job Fair event in SM City Marilao. The job fair, which is a part of SM Supermalls' corporate social responsibility, aims to bring together private and government sectors in generating job employment opportunities for the growing Filipino workforce. By providing valuable exposure to companies in their respective industries and vacancies, the event also aims to lessen the inconvenience of the job-seeking process for applicants. - PR

MAY 1- Thousands of job seekers had been connected with recruiters and employers as SM Supermalls in Marilao, San Jose Del
Monte as well as in Grand Central in Caloocan hold their Labor Day job fairs at the mall.
Held in support of the Philippine Government’s mission to provide full, decent, and productive employment to all Filipinos, the job fairs
in SM provided the perfect opportunity for applicants to meet a variety of employers at one convenient location.
The job fair held at event center of SM City Marilao has attracted over 46 employers from various industries such as retail, food and
beverage, manufacturing, healthcare, finance, hospitality, and many more. Companies such as Sterling, Moldex, and Manila Doctors
Hospital are among the many exhibitors, offering a total of 2,846 job opportunities for Bulakenyos.
In SM City San Jose Del Monte, 34 employers took part in the job fair with 3,016 opportunities from a diverse range of positions in
healthcare, retail to construction.
According to Provincial Director of DOLE Bulacan Field Office May Lynn C. Gozun, the agency recognizes the challenges that job
seekers face in today’s competitive job market. With this, DOLE aims to provide aid and support to jobseekers by offering practical on-
site solutions, such as free resume printing services and counseling as well as providing various government services such as Pag-
ibig, SSS, PhilHealth. Postal ID and many more to fast track jobseekers’ possible employment.
Meanwhile, SM City Grand Central in Caloocan pulled in thick and big crowd with at least 2,646 jobseekers, including fresh graduates,
mothers, and mid-40s applicants returning to workforce. The job fair generated 5,500 job listings from 58 participating companies
and employers.
Remaining true to its mission and vision, SM Supermalls aims to contribute to the nation-building and development of Filipinos. The job
fair is a part of corporate social responsibility that is simultaneously held in all participating SM Malls nationwide.
Labor Day Job Fair event is led by the Department of Labor and Employment in partnership with SM Supermalls together with the
Provincial and Municipal Public Employment Service Office (PESO) units in Marilao, San Jose Del Monte and Caloocan City. – PR

Kalutong Bulakenyo Coffee Table Book, inilunsad ng DOT at PHACTO

0
Inihandog sa pagdiriwang ng Buwan ng Kalutong Pilipino ang paglulunsad ng Kalutong Bulakenyo: A Guide to Culinary Heritage of Bulacan’ na naglalaman ng paglalahat sa inisyal 116 na potaheng kalutong Bulakenyo na ginanap sa SM City Marilao sa Marilao, Bulacan. Resulta ito ng isinagawang Food Mapping na pinondohan ng Department of Tourism sa pagtatguyod ng Provincial History, Arts & Culture and Tourism Office habang ipinaimprenta ito sa tulong ng Richwell Colleges. --Shane F. Velasco

BAYAN NG MARILAO, Bulacan – Magkatuwang na inilunsad ng Department of Tourism o DOT at ng Provincial History, Arts & Culture and Tourism Office o PHACTO ang ‘Kalutong Bulakenyo: A Guide to Culinary Heritage of Bulacan’ sa SM City Marilao, bilang bahagi ng pagdiriwang ng Buwan ng Kalutong Pilipino.

Isa itong coffee table book na naglalaman ng paglalahat ng kasaysayan, detalye ng paghahanda o pagluluto at katangian ng nasa 116 na mga potaheng Kalutong Bulakenyo.

Ayon kay Dr. Eliseo Dela Cruz, pinuno ng PHACTO, natipon ang mga impormasyon, kasaysayan at rekado ng nasabing mga kaluto sa pamamagitan ng isinagawang Food Mapping sa Bulacan na pinondohan ng DOT sa halagang P350 libo. Habang sinagot ng Richwell Colleges ang gastusin sa pagpapaimprenta.

Patunay aniya ang coffee table book na ito sa pagsisikap ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan, na ang mga programa para sa preserbasyon at pagpapalaganap ng mga Kalutong Bulakenyo ay hindi pansamantala lamang kundi pangmatagalan.

Binigyang diin naman ni Department of Tourism o DOT-Central Luzon Regional Director Richard Daenos, na magsisilbing reperensiya ang ‘Kalutong Bulakenyo: A Guide to Culinary Heritage of Bulacan’ Coffee Table Book ng mga paaralan, kolehiyo at pamantasan na nagluluto ng gastronomy at culinary.

Sa gastronomy pinag-aaralan ang kaugnayan ng pagkain sa kultura. Habang ang kulinarya ay pag-aaral naman tungkol sa paraan o sistema ng pagluluto.

Layunin din aniya ng proyektong coffee table na ito na maimulat sa mga katutubong pagkain o Kalutong Pilipino ang mga bagong henerasyon kaysa matuto ng mga pagkaing banyaga.

Hiniling din ni Regional Director Daenos sa mga pamahalaang lokal na magpasa ng kani-kanilang ordinansa na mag-uubliga sa mga paaralan, kolehiyo at pamantasan na Kalutong Pilipino na gastronomy at culinary ang ituro.

Ito’y bunsod nang pagkakaroon ng mahabang exposure at matagal na kinamulatan ng mga kabataan sa mga banyagang potahe.

Sinasalamin ng mga potaheng Kalutong Bulakenyo ang mayamang pagsasaka at pangisdaan sa isang partikular na bayan o lunsod sa Bulacan.

Halimbawa sa mga latian ng lalawigan na nakaharap sa Manila Bay, tampok ang mga kalutong bunga ng masaganang huli sa dagat gaya ng Alamang sa Santol at Alamang sa Ampalaya sa Bulakan. Iba pa rito ang Nilagat na Hito sa kalapit na bayan ng Guiguinto.

Bukod sa pamosong Ensaymada at Inipit, marami ring nagluluto sa mga latian ng Malolos ng Kilawing Bangus na may Kesong Puti, Relyenong Alimasag, Paksiw na Biya sa Gata, Pangat na Talimusak at Hamonadong Sugpo.

Patuloy pa ring iniluluto sa lungsod ang mga Pamanang Kulinarya ng mga Kadalagahan ng Malolos na nagbigay ng petisyon sa Pamahalaang Kolonyal ng Espanya sa Pilipinas upang makapag-aral.

Kabilang sa mga resulta ng kanilang pag-aaral sa kulinarya na nakalimbag din sa coffee table book na ito ang Hamon Bulakenya, Pinaso, Nilagang Pasko, Gurgurya at iba pang pagkain na inihain noong panahon ng Unang Republika.

Dahil ang Bulacan ay pangunahing lalawigan sa Luzon na nagluluwas ng karne ng Baboy at Manok sa Metro Manila, kitang-kita ito sa mga natatanging potaheng kaluto gaya ng Estobado na isang bersiyon ng Kalderetang Baka sa Angat, Liempong Bocaue, Menudong Calumpit, bersiyon ng Nilagang Pasko sa Meycauayan na parehong karne ng Manok at Baboy ang nakasahog, Pakam ng Santa Maria, Chicken Galantina ng Balagtas, Serkele at Sinigang na Lechon ng Baliwag.

Sa mga kabundukang bahagi ng Bulacan, masagana rin sa mga potaheng kaluto gaya ng Inalibambangang Manok ng Donya Remedios Trinidad at Bulanglang ng Norzagaray.

Kaugnay nito, sinabi ni Gobernador Daniel R. Fernando na sa mga potahe na Kalutong Bulakenyo, hindi lamang mabubusog ang tiyan kundi maging ang isip at puso dahil hitik sa sangkap ng mayamang sining, kasaysayan at tradisyon ang mga pagkaing ito.

Kaya’t kailangan aniyang patuloy na ipreserba at pagyamanin upang maisalin sa susunod na henerasyon sa pamamagitan nitong ‘Kalutong Bulakenyo: A Guide to Culinary Heritage of Bulacan’ Coffee Table Book. Magkakaloob naman ng libreng mga promosyon ang SM City Marilao sa mga potaheng nilalaman ng aklat na ito. — Shane F Velasco/PIA-3/BULACAN

Right-of-Way ng Malolos Interchange para sa NALEX Phase 2, target ilihis sa mga kabahayan

0
Iprinisinta sa ginanap na serye ng mga public consultations sa lungsod ng Malolos ang road alignment sa itatayong Malolos Interchange na bahagi ng gagawing Norther Access Link Expressway o NALEX Phase 2. Ito ang magsisilbing derechong daan patungo sa New Manila International Airport o NMIA sa bayan ng Bulakan. Ikakabit din ito sa Manila North Road o Mac Arthur Highway sa Malolos at sa North Luzon Expressway o NLEX -- Shane F. Velasco

LUNSOD NG MALOLOS, Bulacan – Nirerepaso na ang gagamiting right-of-way para sa itatayong Malolos Interchange na bahagi ng gagawing Northern Access Link Expressway o NALEX Phase 2.

Ayon kay Toll Regulatory Board (TRB) Executive Director Alvin Carullo, ang resulta sa idinaos na mga public consultations ay magiging batayan sa pagkukumpleto ng detailed engineering design ng proyekto, partikular na ang dadaanan nitong Malolos Interchange.

Sa ginanap na serye ng mga public consultations sa mga residente at may-ari ng lupa na posibleng tatamaan ng proyekto, nangako ang konsesyonaryo ng NALEX na San Miguel Holdings Corporation o SMHC na ginagawa ang lahat ng istratehikong hakbang upang mailihis sa mga kabahayan ang itatayong interchange.

Base sa inisyal na panukala, dadaan sa barangay San Pablo sa lunsod ng Malolos ang road alignment ng Malolos Interchange, kung saan nasa 80 hanggang 200 na mga kabahayan ang maaapektuhan dahil sa right-of-way.

Sinabi ni Atty. Melissa Tagarda, assistant vice president at head ng corporate affairs ng SMHC, na posibleng maibaba sa bilang na 20 o mas mababa pa ang maapektuhan na kabahayan.

Kaya’t patuloy aniya ang paghahanap ng iba pang pwedeng madaanan ng proyekto upang wala nang bahay ang tamaan.

Kung sakali naman na hindi maiiwasan na hindi madaanan ang isang partikular na pribadong pag-aari, tiniyak niyang mababayaran nang tama o naaayon sa kasalukuyang property valuation ang may-ari ng lupa ayon sa umiiral na ang Republic Act 10752 o ang The Right of Way Act of 2016.

Inaprubahan ng TRB ang proyektong NALEX noong Mayo 2022 upang magsilbing bagong road network na papunta at mula sa New Manila International Airport o NMIA sa bayan ng Bulakan.

Magsisilbi ring koneksiyon o road access mula sa NMIA ang Malolos Interchange ng NALEX Phase 2, sa Manila North Road o Mac Arthur Highway at sa North Luzon Expressway o NLEX sa bahagi ng barangay Bungahan na malapit sa Sta. Rita Exit.

Ang alignment na dadaan ng NALEX Phase 2 ay may habang 117 na kilometro mula sa NMIA sa Bulakan na derecho sa Tarlac-Pangasinan-La Union Expressway o TPLEX sa bahagi ng lunsod ng Tarlac.

Madadaanan din nito ang mga bayan ng Paombong, Hagonoy at Calumpit sa Bulacan. 

Habang ang NALEX Phase 1 ay may habang 19 kilometro mula rin sa Bulakan, dadaan sa Obando, Navotas at Malabon na idudugtong sa Balintawak ramp ng Skyway Stage 3 sa lunsod ng Caloocan.

Target gawin at tapusin ang NALEX Phase 2 sa loob ng pitong taon o pagsapit ng taong 2030. May inisyal na halagang P148 bilyon ang halaga ng dalawang phases nitong proyekto na ginugugulan ng konsesyonaryo sa ilalim ng Build-Operate-Transfer o BOT na isang mekanismo ng Public-Private Partnership o PPP.

Patatakbuhin ng Skyway Operations and Management Corporation ng SMHC ang NALEX Phases 1 at 2 sa loob ng 30 taon mula sa unang taon na ito’y matapos at magsimulang mapadaanan sa mga motorista. Isa ang NALEX Phases 1 at 2 sa mga pangunahing imprastrakturang ipapatupad at tatapusin ng administrasyong Marcos sa ilalim ng Build-Better-More Program. Shane F. Velasco/PIA-3/BULACAN

AICS ng DSWD at ILP ng DOLE, patuloy na ipinapamahagi sa Ika-6 na Distrito ng
Bulacan

0
Ipinapakita ng 1 sa 50 benepisyaryo ng Integrated Livelihood Program ang katibayan na tinaggap mula sa DOLE, na nagbibigay sa kanya ng karagdagang grocery package na nagkakahalag ng Ph10,000 para sa pagpapalago ng kanyang maliit na negosyo. Nasa larawan din sina Kinatawan Salvador “Ka Ador” A. Pleyto (ikatlo sa kaliwa), na siyang may inisyatibo sa nasabing programa kasabay ang AICS ng DSWD, kasama sina Angat Mayor Reynante “Jowar” S. Bautista, DOLE Bulacan Provincial Director May Gozun at Sir George Bautista, tagapamahala ni Kinatawan Pleyto. – Larawang kuha ni Harold T. Raymundo

Sa Inisyatibo ni Kinatawan Salvador “Ka Ador” Pleyto

BAYAN NG ANGAT, Bulacan – Patuloy na ipinapamahagi ng Department of Social
Welfare and Development o DSWD ang Assistance to Individuals in Crisis Situation
at ng Department of Labor and Employment ang DOLE Integrated Livelihood
Program o DILP sa Ika-6 na Distrito ng lalawigan.
Nito lang Huwebes, Abril 27, pinangunahan ni Kinatawan Salvador “Ka Ador” A.
Pleyto kasama si Mayor Reynante “Jowar” S. Bautista ang pamamahagi ng AICS at

DILP na kanyang inisyatibo para sa mga Angateno, na isinagawa sa Evacuation
Center ng bayan ng Angat.
Sa ikatlong pagkakataon nang nagsagawa ng AICS payout sa nasabing bayan, na
ikinagalak ni Mayor Bautista, para na rin sa kapakinabangan ng kanyang mga
kababayan.
Kinapapalooban ng financial assistance, medical assistance at burial assistance
ang AICS para sa mga Angatenong kapus palad at dumaranas ng hirap sabuhay.
Sa programang DILP naman, 50 Angatenong maliit na mamumuhunan ang naging
benepisyaryo ng grocery package na nagkakahalaga ng Ph10,00 bawat isa, na
ilalaan upang mapalago ang naitayong maliit na negosyo.
Pinagsusumikapan ni Kinatawan Pleyto na maibaba sa mga nagangailangang
kadistrito ang mga serbisyong makatutulong at magpapaangata kahit papapano
sa kanilang pamumuhay.
Sa kanyang mensahe bago simulan ang pamamahagi ng tulong pinansyal at
pangkabuhayan, inulit muli ni Pleyto ang palagian niyang sinasabi na paglalaan ng
kanyang panahon sa pagseserbisyo sa mga kababayan.
“Ilalaan ko ang nalalabing panahon ng aking buhay para paglingkuran kayong mga
kababayan ko lalo na ang mahihirap na higit na nangangailangan nito,” anang
kinatawan.
Pinasalamatan din ni Kint. Pleyto si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr.,
Bise President Sara Duterte at House Speaker Martin Romualdez, sa pagbibigay sa
kanya ng mas higit na pondong alokasyon para sa kanyang mga kababayan sa
Santa Maria, Angat at Norzagaray.
Pinuri naman ni Mayor Bautista si Kinatawan Pleyto sa lubos na pagkalinga sa
kanyang bayan.
“Mapalad po ang bayan ng Angat dahil nagkaroon tayo ng isang ama na talagang
lilingap at bukas palad sa pagtugon sa lahat ng pangangailangan ng ating bayan
lalo’t higit sa kanyang mamamayan,” anang alkalde.

“Maglalatag pa po kami ng maraming programa, proyekto na alam naming tatatak
at makakatugon sa pangangailangan ng mga mamamayan na aming
nasasakupan,” pagtatapos ni Bautista.
Ibinida naman ni May Gozun, Provincial Director ng DOLE Bulacan, na direct line si
Kint. Pleyto sa kanilang boss na si Kalihim Bienvenido E. Laguesma ng Department
of Labor and Employment.
Sorpresang inihayag din ni PD Gozun kay Mayor Bautista, kaharap si Kinatawan
Pleyto, ang karagdagang Ph500,000 na livelihood program mula sa DOLE para sa
bayan ng Angat.
At sa kanyang mensahe, marami pang programa para sa ika-6 na distrito ang
kanyang inaasahan.
“Looking forward to more and more labor programs with Angat and of course,
District 6,” ani PD Gozun.
Samantala, isinagawa rin ang AICS payout at Distribution ng DILP sa bayan ng
Norzagaray nitong Biyernes, Abril 28 at nauna nang nagpamahagi ang DSWD ng
financial, medical, burial assistance at DOLE ng mga livelihood program sa bayan
ng Santa Maria.

Kinatawan Pleyto at Mayor Bautista, pinasinayaan ang Farm to Market Road sa
Angat

0
Nagpakuha ng larawan kay Kinatawan Salvador “Ka Ador” A. Pleyto at Mayor Jowar Bautista, ang mga magasasakang Angateno na mas makikinabang sa pinasinayaang Farm to Market Road sa Sitio Libisan Tumana (Bato) Brgy. Sulucan, Angat. Nasa larawan din si Vice Mayor Arvin Agustin at iba pang opisyal ng bayan ng Angat. – Harold T. Raymundo

BAYAN NG ANGAT, Bulacan – Pormal nang pinasinayaan ni Kinatawan Salvador
“Ka Ador” A. Pleyto ng Ika-6 na Distrito ng Bulacan at Mayor Jowar Bautista, ang
katatapos lamang na Farm to Market Road nitong Martes, Abril 25 sa Sitio Libisan
Tumana (Bato) Brgy. Sulucan ng bayan na ito.
Nagkakahalaga ng limang milyong piso ang bagong kalsada na bukas na at
puwede nang daanan ng mga Angateno partikular ng mga magsasaka.
“Isa lamang ito sa mga mahahalagang proyektong nais nating maisakatuparan sa
ating Distrito 6 para sa Taong 2023,” ani Kinatawan Pleyto.
Sinabi rin ni Pleyto ang kahalagahan ng daanan para sa kanyang mga kadistritong
Angateno.
“Nawa’y makatulong ang nasabing proyekto lalo’t higit sa ating mga kapatid na
magsasaka upang mapabilis ang pagluluwas ng kanilang mga inaning produkto at
makarating sa mga pamilihan sa takdang oras,” anang mambabatas.

Dalawa sa mga magsasakang Angateno ang nagpahayag naman ng kanilang
saloobin sa kapaki-pakinabang na proyektong dala’y kaginhawaan sa kanilang
hanay.
Ayon kay Vic de Guzman, Jr., “lubos ang aming kasiyahan sapagkat nagkaroon
kami ng kinatawan na lumilingap sa kalagayan naming mga magsasaka. Malaking
tulong at ginhawa sa amin ang pagpapasemento ng aming kalsada. Mabilis na
naming mailuluwas ang aming mga produkto at makakarating ng sariwa sa
pamilihan ang mga gulay at iba pang pananim.”
“Biglang sumaya ang aming lugar sapagkat tuwing umaga ay maraming
nagpupunta upang dito magjogging. Kaya lang e dumami rin ang nanghihingi o
bigla na lang pumipitas ng gulay ng walang paalam” biro naman ni Tata Egay Cruz.
Kasama sa pagpapasinaya sina Vice Mayor Arvin Agustin, Association of Barangay
Captain President Richard Eric Cruz at iba pang opisyal ng bayan ng Angat.
Sumaksi rin sa nasabing pagtitipon si Kinatawan Ray Reyes ng AnaKalusugan Party
List na nagkataong naroon sa lugar para sa isang hiwalay na pagtitipon.
Samantala, nagsadya din si Kint. Pleyto sa “Medical Mission” na isinagawa sa
Sulucan Barangay Hall na pinangunahan ni Kinatawan Reyes ng AnaKalusugan
Party List.
Napansin ni Pleyto na masikip ang barangay hall, kaya sinabihan ng kinatawan si
ABC Pres. Cruz na humanap ng mas malaking lugar na mapaglilipatan ng bahay
pamahalaan ng barangay.
Agad namang tumugon si Mayor Bautista na siya ay tutulong sa pagbili ng lupang
pagtatayuan at paglilipatan ng mas malaking barangay hall ng Brgy. Sulucan.
Lubos din ang pasasalamat ni Kapitan Cruz sa mga tulong at suporta sa kanilang
Barangay ni Kinatawan Ador Pleyto.

PPI COMMUNITY PRESS AWARDS FINALIST

0

Hawak ni Jenny T. Raymundo,
associate editor ng Pahayagang Mabuhay, ang plake ng pagpapahalaga na ibinigay
ng Philippine Press Institute sa nasabing pahayagan bilang isa sa mga finalists at
nominado sa Weekly Category ng Best in Photojournalism. Nasa larawan din ang
mga panauhing pandangal kasama si Chairman and President Rolando G. Estabillo
(ikalawa sa kaliwa) ng PPI, Publisher ng Dailly Broadsheet na Manila Standard
habang tinatawag pa ni Kara David, multi-awarded journalist at nagsilbing emcee,
ang iba pang napasamang nominado. Isinagawa ang taunang Civic Journalism
Community Press Awards nitong Martes, Abril 25 sa Grand Ballroom, Citadines
Bay City Manila, Macapagal Boulevard, Pasay City. – Larawang Kuha ni Harold T.
Raymundo

StingRay COLUMN: Pagpaparangal sa Pagpapakainam sa larangan ng Pamamahayag

0
StingRay

Napasama ang Lingguhang Pahayagang Mabuhay sa mga finalists sa katatapos
lamang na Philippine Press Institute 2022 Civic Journalism Community Press
Awards nitong April 25 sa Citadines Bay City Manila, Macapagal Boulevard, Pasay
City.
Pumasok sa Weekly Category ng Best in Photojournalism ang Mabuhay ng Luzon
kasama ang MetroPost ng Visayas at Mindanao Cross ng Mindanao, kung saan
nagsilbing hurado si Jesus M. Aznar, Photojournalist ng The New York Times at
Foreign Correspondent Association of the Philippines.
Tinanggap ni Jenny Raymundo, Associate Editor ng Pahayagang Mabuhay, ang
Plake ng Pagkilalang binigkas ni multi-awarded journalist Kara David, na nagsilbing
emcee rin nang Gabi ng Parangal.
May lima pang kategorya ang prestihiyosong Community Press Awards kabilang
na ang Best Edited Community Newspaper, Best Editorial Page, Best in Business
and Economic Reporting, Best in Environmental Reporting at ang bagong
kategoryang Best in Reporting on Migration Issues.
Napanalunan ng Baguio Chronicle ang tatlo sa anim na kategorya para sa Weekly
at tig-dalawa naman ang SunStar Davao at SunStar Cebu para sa Daily.
Taunang isanasagawa ng PPI na kilala rin bilang The National Association of
Newspapers, ang pagbibigay pagkilala sa kasaping pahayagan, kung saan isa ang
Mabuhay kasama ang 60 pang pahayagan sa buong kapuluan.
Nangunguna sa listahan ng mga kasapi ang Manila Standard, Philippine Daily
Inquirer, Philippine Star, Pilipino Star Ngayon, PJI, Malaya Business Insight at ang
SunStar Group of Publications.
Natatangi at nag-iisa lang ang ganitong programang parangal ng PPI hanggang sa
kasalukuyan, na pinamamahalaan ng Asian Insititute of Journalism o AIJC.

Salamat na lamang at nariyan ang Nickel Asia Corp. o NAC na nagsilbing principal
partner ng PPI sa isinagawang tatlong araw na aktibidad at isang sorpresang
pahayag mula sa kinatawan ng NAC nang panibagong partnership sa mga darating
pang mga proyekto’t programa ng PPI.
Motibasyon at inspirasyon ang dala ng mga ganitong parangal sa tinaguriang ika-4
na estado ng ating lipunan na nagpapakainam sa larangang ng pamamahayag.
Maging basehan sana ito ng iba pang mga samahan ng mga pahayagan o
mamamahayag, mapa-print, radio, tv at ngayo’y online bloggers, na pagbutihin
ang kanilang “craft” at kasanayan, na tumatalima sa tagubilin ng Journalist Code
of Ethics ng PPI, National Union of Journalists of the Philippines at National Press
Club.
Kahit dumadaan sa pagsubok ang mga pahayagan sa buong bansa, lalo na noong
panahon ng pandemya, nagawa pa rin ng ilan kundi man ng karamihan na
tugunan ang tawag ng mamamayang kanilang nasasakupan para sa makabuluhan,
napapanahon at tamang impormasyon.
Pasasalamat sa pagkilalang tinanggap ng aming Pahayagang Mabuhay sa
bumubuo ng PPI sa pamumuno ni Chairman & President Rolly Estabillo na
Publisher din ng Manila Standard, lalo na kay Executive Director Ariel Sebellino na
laging handang makinig sa nais sabihin ng mga kinatawan ng miyembrong
pahayagan.

SM City Baliwag and Baliwag PESO Job Fair on May 4

0

Heads up, jobseekers in Bulacan!

SM City Baliwag, in partnership with the Public Employment Service Office (PESO) with support from Baliwag LGU will hold a Job Fair and One-Stop-Shop Processing on May 4, where over 100 job vacancies await. In addition, applicants may also avail of services from different government agencies for the documents they need, such as Pag-Ibig, SSS, PhilHealth, and National ID registration, as well as Police Clearance, Cedula, and PSA applications. 

For further details call or text 0997-136-9180 or email baliwagtrabaho@gmail.com.

HONOR continues to expand in PH, now in SM City Marilao and Marikina

0
HONOR Philippines Vice President Stephen Cheng, Brand Manager Joepy Libo-on, PR Manager Pao Oga, and Sales Director for Central Luzon Jim Li with SM City Marilao Tenant Relations Officer Rafael Martinez and AVPO North 5 and 6 Anna Datu. – Photo by Jenny T. Raymundo

Good news for Bulakenyos and Marikenyos! HONOR Philippines has just arrived in

SM City Marilao and Marikina

Manila, Philippines, April 29, 2023 – The leading smart devices provider, HONOR
Philippines, has achieved another milestone with the opening of its third and
fourth experience store in SM City Marilao and SM City Marikina. 

Officiated by HONOR Philippines Vice President Stephen Cheng, Brand Manager
Joepy Libo-on, PR Manager Pao Oga, and Sales Director for Central Luzon Jim Li
with SM City Marilao Tenant Relations Officer Rafael Martinez and AVPO North 5
and 6 Anna Datu in SM City Marilao and HONOR Philippines National Sales Officer
Jett Hermosura and Regional Retail Manager Jen Rayala with Power Premium
Area Supervisor Kiwi Billy Arce and Sales and Retail Operation Consultant Matt
Basilan in SM City Marikina, both store openings were another jam-packed
success for the tech giant.

“This is such a sweet success for us. Seven months ago, no one would have ever
thought that we would grow this early and this fast. We really owe it to our loyal
customers, that’s why we are making our services more accessible to more and
more Filipinos,” said Stephen Cheng, HONOR Philippines Vice President.

To those who are on the lookout of the next HONOR experience stores to open,
here’s the updated list from HONOR Philippines:

Ultra-Tough gets Tougher

The crowd-favorite HONOR X9a 5G that now comes in the new limited-edition
Midnight Black color, sports a 120Hz Premium OLED Curved Display bringing users
a large screen with an impressive screen-to-body ratio. HONOR X9a 5G has an
impressive 64 MP Super Triple Camera and a 2-Day Battery Life.

It was tested yet again during the store opening in SM City Marilao where select
fans participated in the viral HONOR smash challenge. Lucky winner got to take
home an HONOR smartphone.
Visit your nearest HONOR Experience Store or any partner dealer store now as
this HONOR X9a 5G Midnight Black comes in limited stocks only!. It is also now
available through your favorite online stores – Shopee (https://bit.ly/3oh9VGt),
Lazada (https://bit.ly/3L0VuyT), and TikTok Shop
(https://vt.tiktok.com/ZS8WXk7ow/), still priced at P16,990.
You can find the HONOR Experience Store in SM City Marilao at Second Level
while the HONOR Experience Store in SM City Marikina is at Cyberzone.
For more announcements, you may visit HONOR’s website www.hihonor.com or
social media platforms: Facebook (Facebook.com/HonorPhilippines), Instagram
(Instagram.com/honorphilippines/) and TikTok: (Tiktok.com/@honorphilippines).
To check out HONOR’s complete list of retail stores, go to
https://www.hihonor.com/ph/retailers/.

#

About HONOR 
HONOR is a leading global provider of smart devices. It is dedicated to becoming a
global iconic technology brand and creating a new intelligent world for everyone

through its powerful products and services. With an unwavering focus on R&D, it
is committed to developing technology that empowers people around the globe
to go beyond, giving them the freedom to achieve and do more. Offering a range
of high-quality smartphones, tablets, laptops and wearables to suit every budget,
HONOR’s portfolio of innovative, premium and reliable products enable people to
become a better version of themselves. – PR

Mabuhay News