Nagsama-sama ang mga pinuno ng Bulacan sa pangunguna nina Gobernador Daniel R. Fernando at Bise Gobernador
Alex Castro kasama ang mga punong bayan/lunsod, pangalawang punong bayan/lunsod, bokal, at
mga opisyal ng mga tanggapan ng pamahalaang nasyonal sa lalawigan sa ginanap na Strengthening
Governance Through Adaptive Leadership and Management forum sa The Manor, Camp John Hay,
Baguio City mula Setyembre 19 hanggang 21, 2022. Makikita rin sa larawan sina (tabi ni Castro)
Panlalawigang Tagapangasiwa Antonia V. Constantino at Special Assistant to the Governor Michael
Angelo Lobrin. – PPAO