Bulacan PESO at LaCo Malolos – Masayang nagpakuha ng larawan sina Dr. Enrico F. Rosales (ikatlo sa kanan), Vice President for Graduate Studies ng La Consolacion University Philippines o LCUP Malolos Campus at Dr. Rosemarie Navotas (ikatlo sa kaliwa), Chief ng Bulacan Provincial Public Employment Service Office matapos pag-usapan ang mga programang kakaharapin ng dalawang nasabing tanggapan para sa kapakinabangan ng mapipiling benepisyaryong Bulakenyo.

Nasa larawan din sina Dr. Janet Valdez at Cathy Raymundo ng LCUP Malolos, Carlos Yabut at Glenn Paul Cruz ng Bulacan PESO na nakibahagi sa isinagawang pagpupulong nitong Miyerkules, Hulyo 6 sa Tanggapan ni Dr. Rosales sa LCUP, Bulihan, Lunsod ng Malolos