Nakasenyas ng LV sina Congresswoman Linabelle Ruth R. Villarica ng Ika-4 na Distrito ng Bulacan (gitna) kasama sina Bokal William Villarica, Obando Mayor Leonardo “Ding” Valeda (kaliwa), Konsehal at tumatakbong Vice Mayor Rowell Rillera, at Kapitan Tessie Banag ng Barangay Paliwas, matapos mamahagi ng gamit panghanapbuhay nitong Lunes Marso 10 sa Bulacan Polytechnic College Covered Court, Tawiran, Obando, Bulacan. -- Larawang kuha ni Ronniel San Diego

Ni Harold T. Raymundo at Ramon Agustin/Obando PIO

BAYAN NG OBANDO, Bulacan – Namahagi ng mga gamit panghanapbuhay si Congresswoman Linabelle Ruth R. Villarica kasama sina Bokal William Villarica, Mayor Leonardo “Ding” Valeda, at Konsehal at tumatakbong Vice Mayor Rowell Rillera,  sa mga Obandenyong nasa laylayan.

Nabahaginan ng payong, t-shirt, at unan ang mga trike driver at mga ambulant vendor at kumpletong uniform sa bawat kasapi ng lahat ng Trike Operators Drivers Association o TODA.

Tumanggap naman ng t-shirt at safety vest ang mga tanod ng bawat barangay na gagamitin ng mga bantay bayan sa pagpapanatili ng kaayusan.

Bukod sa pamamahagi ng mga kagamitan, nagparaffle din si Congw. Villarica ng ilang bisikleta para sa mga nagsidalo. 

Pinasalamatan naman ni Mayor Valeda ang ipinakitang pagmamalasakit ng kinatawan ng Ika-4 na Distrito ng Bulacan.

Nakadalo rin sa isinagawang pamamahagi sina Konsehal Philip Dela Cruz, Kon. Mico Dela Paz,  Kon. Vangie Bernardo Bautista, Kon. Crina Palao Ramos, Kon. Buboy Banag, at mga kapitan ng  barangay ng Obando.