Kom. Arthur. P. Casanova, Tagapangulo ng KWF,

Ni Perfecto T. Raymundo, Jr.

LUNSOD QUEZON — Ang Dangal Selyo ng Kagalingan 2024 ay iginawad ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) sa huling araw ng pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa ngayong Biyernes (Agosto 30).

Ang okasyon ay idinaos sa Seda Vertis North Hotel, Lungsod Quezon.

Sa kanyang mensahe, sinabi ni Kom. Arthur. P. Casanova, Tagapangulo ng KWF, na nakalukugod na mabatid na ang mga ahensiya ng pamahalaan ay tumutupad sa Executive Order No. 335.

Tinuran ni Casanova na ang tema ng pagdiriwang ay Wikang Pambansang Filipino ay Wikang Mapagpalaya. 

Winika ni Kom. Benjamin M. Mendillo, Jr., Komisyoner sa Pangasiwaan at Pananalapi, na ang paggamit ng Wikang Filipino ay bilang pagtugon sa EO 335 na nilagdaan ni Pangulong Corazon Cojuangco Aquino. 

Ang naturang EO ay nag-aatas ng pagsasalin sa Wikang Filipino ng lahat ng Korespondensiya Opisyal sa lahat ng ahensiya ng pamahalaan. 

Ang mga pinuno ng ahensiya ng pamahalaan ay inaatasang isalin mula sa Wikang Ingles patungo sa Wikang Filipino sa buong Pilipinas. 

Ang rasyonal ng EO 335 ay upang maging ganap na produktibo sa pagpapalaganap ng Wikang Filipino. 

Kabilang dito ang Republic Act 11106 o ang Filipino Sign Language Law. 

Ang mga ginawaran ng Selyo ng Kahusayan sa Serbisyo Publiko 2024 ay ang mga sunusunod:

— Barangay Del Rosario, Lungsod Iriga; at

— Barangay Bagumbayan, Lungsod Taguig. 

Kabilang sa mga panauhing pandangal at tagapagsalita ay si Lani Mercado-Revilla, Kinatawan ng Ika-2 Distrito ng Lungsod Bacoor, Cavite. 

Sa kanyang mensahe, sinabi ni Revilla ay nagagalak sya na makipagdiwang sa huling araw ng Buwan ng Wikang Filipino. 

Binanggit niya ang kahulugan ng mga Wikang Kabataang Gen Z sa Facebook gaya ng aesthetic, labarn lang at daserb na daserb. 

Mayroong 180 ang Lengguwahe ang Pilipinas. 

Bukod sa EO 335 ni Pangulong Corazon Cojuangco Aquino, idagdag pa rito ang EO 1041 ni Pangulong Fidel Valdez Ramos. 

Labarn lang at daserb na daserb, wika niya. 

Ginawaran din ng Dangal ng Selyo ng Kahusayan sa Serbisyo Publiko 2024 Antas 1 ang mga sumusunod:

— Lupon sa Rebyu at Klasipikasyon ng Pelikula at Telebisyon (MTRCB); 

— Barangay Hagdan Bato Itaas, Lungsod Mandaluyong; 

— Ahensiyang Pang-impormasyon ng Pilipinas (PIA); 

— Kagawaran ng Edukasyon-SDO Catanduanes; 

— Kagawaran ng Edukasyon-SDO Sorsogon; 

— Pamahalaang Bayan ng Pililla, Rizal; 

— Barangay Ususan, Lungsod Taguig; 

— Pamahalaang Lungsod Valenzuela; at 

— Pamahalaang Bayan ng Pateros.