GENEVA, Switzerland — Umupo bilang Presidente ng 78th World Health Assembly (WHA) si Department of Health o DOH Secretary Ted Herbosa nitong Lunes, Mayo 19 sa Palais des Nations Geneva, Switzerland.

Ito ang kauna-unahang pagkakataon na namuno ang Pilipinas sa WHA na siyang highest decision-making body sa global health at kinabibilangan ng 194 na mga bansa.

Nagpasalamat si Sec. Herbosa sa mga miyembro ng WHO Western Pacific Region para sa nominasyon ng Pilipinas at sa lahat ng WHO Member States para sa kanilang suporta at matibay na ugnayan.

Nagpasalamat din si Herbosa kay Dr. Edwin G. Dikoloti ang Health Minister ng Republic of Botswana na siyang namuno sa nakaraang Assembly at si Dr. Youngmee Jee ng Republic of Korea, sa pagbubukas ng naturang sesyon.

Sa pagsisimula ng WHA, iba’t ibang mga usaping pangkalusugan ang tatalakayin kasabay ng pagbabalangkas ng mga polisiya para patatagin ang ugnayan ng mga bansa sa buong mundo at makamit ang #HealthForAll. ###