
LUNSOD NG PASAY, Kalakhang Maynila – Pinangunahan ni Secretary Fortunato T. de la Pena ng Department of Science and Technology at DOST-Science and Technology Information Institute Director Richard P. Burgos ang bahagi nang pagdiriwang ng Ika-11 taong anibersaryo ng STARBOOKS nitong Biyernes, Hunyo 24 sa Philippine International Convention Center sa lunsod na ito.
Ang STARBOOKS o Science and Technology Academic and Research-Based Openly Operated KioskS ay programang digital library ng DOST-STII na mayrooong mobile application na simula pa noong taong 2020 at mayroon na ring 5,800 sites sa buong Pilipinas.
May temang “Sana A11-Mga Istorya ng Inspirasyon ng STARBOOKS, kung saan pinarangalan ang mga nagwagi sa isinagawang Vlogging Contest sa kategoryang Individual Edition at Deployment Officers Edition.
Nasungkit ng DOST Region 1 ang unang puwesto sa nasabing kompetisyon sa kategoryang Deployment Officers Edition at nakuha naman ni Markc Esthevyn Cabiso ang unang puwesto sa kategoryang Individual Edition.
Inihayag muli ni Sec. de la Pena sa pagdiriwang ng anibersaryo ng STARBOOKS ang palagian niyang mensahe tungkol sa makabuluhang proyekto.
“STARBOOOKS is one of the project of the DOST that is consistently included in the national priority plan,” anang kalihim.
“I feel the sense of fulfillment even for myself whenn I see our beneficiaries speaking very highly of our intervention and STARBOOKS is one of them,” dagdag pa ni de la Pena.
Ibinuod naman sa tatlong letrang I ang mensahe ni Director Richard P. Burgos ng DOST-Science and Technology Information Institute patungkol sa STARBOOKS, inclusion, innovation at inspiration.
Sinisiguro ng DOST-STII-STARBOOKS ani Dir. Burgos na maparami ang mga taong makaka-access sa kanilang mga kiosk maging sa mga mobile device na naging inspirasyon din ng Turkish Cooperation and Coordination Agency para mag-invest ng panimulang US$50,000.000 sa STARBOOKS.
Bago ang pagdiriwang at paggawad ng mga karangalan at papremyo sa mga nagwagi sa paVlog Contest ng STARBOOKS sa social media platform, lumagda sa kaniya-kaniyang kasunduan o Memorandum of Agreement sa STARBOOKS ang DOST-Advanced Science and Technology Institute, Indang Cavite Higlands Lions Club at Turkish Cooperation and Coordination Agency o TIKA.
Binigyang pagkilala din ni Sec. de la Pena at Dir. Burgos si Fahri Burak Aydogdu, Country Director ng TIKA para sa malaking tulong na naimbag sa pagpapanatili at lalo pang tagumpay nang programang STARBOOKS ng DOST-STII.
Natapos ang pagdriwang sa isang ceremonial toast ng lahat nang dumalo sa ika -11 taong anibersaryo ng STARBOOKS.