24/7 ang ginagawang operasyon ng DPWH Bulacan 1st District Engineering Office sa pagtingin at pag-alalay sa mga dump truck na dumadaan sa Bocae at Guigunto Weighing Scale para makasunod ang mga truck sa tamang timbang ng kanilang dalang kargamento. – DPWH Bulacan 1st DEO

LUNSOD NG MALOLOS, Bulacan – Pinaigting ng Bulacan 1st District Engineering Office ng  Department of Public Works and Highways o DPWH ang pagbabantay sa mga bumibiyaheng nga truck na naghahakot ng mga panambak sa mga proyekto ng pamahalaan at mga pribadong kumpanya.

Ayon kay District Engineer Henry Alcantara, 24/7 ang trabaho ng kanilang mga kawani sa kagawaran, sa pagtingin at pag-alalay sa mga  dump truck na dumadaan sa Bocaue at Guiguinto Weighing Scale.

Kinatuwang ng DPWH 1st DEO ang Land Transportation Office o LTO sa pagpapatupad ng lokal at pangnasyonal na batas patungkol dito.

Layunin ng pagiimplementa nito ang maiwasas ang pagkawasak ng mga pangunahing lansangan o kakalsadahan dahil sa mga overloaded na mga dump truck o iba pa na malalaking truck tulad ng mga trailer na naghahakot ng mga supot ng semento,bakal, bolder at armour rock.

Bunsod nito,  umapela si DE Alcantara sa mga Operator ng mga trucker na sumunod sa pinaiiral na panuntunan sa tamang timbang ng kanilang mga kargamento.

Iwasan na rin aniya ang pagamit ng mga padrino upang mapalusot lamang ang kanilang mga truck na overloaded.

“Bawal sa kanilang mga trabaho ang pagbibigay ng special treatment sa mga trucking na may paglabag sa umiiral na panuntunan,” dagdag pa ni Alcantara. Tiniyak niya na makakasuhan ang mga trucking operator na mapapatunayang may paglabag at pag-abuso sa kanilang mga rules at guidelines na may kaugnayan sa operasyon ng mga hauling sector.