![ambassadors](https://www.mabuhaynews.net/wp-content/uploads/2025/01/ambassadors.jpg)
LUNSOD NG MALOLOS, Bulacan – Bumisita at nakiisa sina Thailand Ambassador to the Philippines Tull Traisonat at Vietnam Ambassador to the Philippines Lai Thai Binh kamakailan sa pag-ikot sa Lunsod ng Malolos, Bulacan upang maranasan ang kultura, kasaysayan, pamana at matikman ang mga katutubong pagkain noong panahon ng Unang Republika.
Bahagi in ito ng paglulunsad ng Philippine Experience Program ng Department of Tourism (DOT) in kung saan sumama sila sa nasa 100 na mga delegadong travel operators at travel agencies na kasapi ng Pacific Asia Travel Association (PATA).
Layunin nito na maisama ang Malolos at ang Bulacan sa kabuuan sa tourism package na iaalok ng PATA sa mga turistang Asyano.
Ayon kau Thai Ambassador Traisomat, magandang oportunidad na malaman at maintindihan ng mga kababayan niyang Thai ang kahalagahan ng Unang Republika sa Pilipinas.
Gayundin ang pagbubukas ng karagdagang flights mula sa Clark International Airport patungong Thailand at kalaunan ay mula sa New Manila International Airport sa Bulakan.
Isan aniyang makabuluhan na bagong pagtutulungan ito ng dalawang bansa ngayong nagdiriwang ng 75 Taong Aniversaryo ng Diplomatikong Relasyon ang Pilipinas at Thailand, dagdag pa ni Traisomat.
Para naman kay Vietnam Ambassador Binh, malaking bagay ang Philippine Experience Program upang mas malalim na maunawaan ng mga kapwa Asyano ang kahalagahan ng pagiging Unang Republika ng Pilipinas sa Asya. Magtataguyod aniya ito ng lalong mainit na pagkakaibigan ng Pilipinas at Vietnam na lalong pagpapalakas ng people-to-people exchanged lalo na ngayong bumalik na ang regular na Hanoi-Manila flights ng Vietnam Airlines.