Nagpaabot ng tulong si Gobernador Daniel R. Fernando sa dalawang mangingisda mula sa Limay, Bataan na sina Edison Amasan (kaliwa) at Dicky Bulan (ika-2 sa kaliwa) na napadpad sa lalawigan habang nangingisda sa kasagsagan ng Tropical Storm Kristine sa pamamagitan ng tulong pinansiyal na nagkakahalaga ng tig-P5,000 bilang pabaon pauwi at suporta sa kanilang kabuhayan kamakailan habang nasa Command, Control, and Communications Center (C4) ng PDRRMO, Lungsod ng Malolos, Bulacan. Kasama rin sa larawan si Provincial Disaster Risk Reduction and Management Officer Manuel L. Lukban. — PPAO