LUNSOD NG MALOLOS, Bulacan – Pinasinayaan at binuksang muli ang bagong
renovated na Gerrys Grill Restaurant and Bar nitong Martes, Agosto 8 sa
Robinsons Place sa lunsod na ito.
Pagmamay-ari ng San Pablo Multi-Purpose Cooperative o SPMPC ang nasabing
kainan, na isa sa mga negosyo nang matagumpay na kooperatiba.
Pinangunahan ni Mayor Atty. Chrsitian Natividad ang pagpapasinaya sa Gerry’s
Grill, kasama sina Vice Mayor Migs Bautista at Konsehal JV Vitug.
Dinaluhan din ng pamunuan ng SPMPC ang muling pagbubukas nito sa publiko sa
pangunguna ni Chairman Eduardo N. Camua, Vice Chairman Eduardo H. Camua,
at mga kasapi ng Board of Directors na sina Danny Juan, Mar Dela Cruz, Aga
Caparas, Tina Tañedo, Chat Lazaro-Petallana, Ingat Yaman Sally Bulaong, Kalihim
Eman Salonga, at Manager Malu Bartolome kasama ang mga komite ng iba’t-
ibang lupon.
Sa kanyang mensahe, sinabi ni Manager Bartolome na higit na maganda at mabilis
na serbisyo ang aasahan ng mga parukyano at mas higit na pinasarap na mga
putahe ang kanilang matitikman mula sa kilalang restaurant.
Ayon naman kay Chairman Camua, umabot ng halos P12 milyon ang ginugol sa
pagpaayos ng Gerry’s Grill Robinsons Malolos, upang higit na mabigyan ng
maaliwalas at komportableng lugar ang mga tagatangkilik nito.
Dumalo rin ang mga matataas na opisyal ng Gerry’s Grill bilang katuwang ng San
Pablo Multi Purpose Cooperative.