CAMP GENERAL ALEJO S. SANTOS, Lungsod ng Malolos, Bulacan — Matagumpay na nasamsam ng mga tauhan ng San Ildefonso Municipal Police Station ang isang iligal na pagawaan ng paputok sa bakanteng lote malapit sa creek sa Brgy. Lapnit, San Ildefonso, Bulacan nitong Lunes Nobyembre 10.
Ayon sa ulat ni PLTCOL. GILMORE A. WASIN, hero ng San Ildefonso MPS, isinagawa ang operasyon matapos makatanggap ng ulat mula sa isang informant ukol sa diumano’y iligal na paggawa ng paputok sa Barangay San Juan. Agad na rumesponde ang mga tauhan ng nasabing police station at natuklasan ang iba’t ibang kagamitan at materyales na ginagamit sa paggawa ng paputok.

Nakumpiska sa operasyon ang tatlong (3) paint buckets na naglalaman ng potassium perchlorate; isang (1) medium-sized sack ng parehong kemikal; pitong (7) plastic bags ng firecracker fuses; firecracker powders sa kulay green, white, at pink sa plastic bags; karagdagang firecracker powder sa spring oil container at siyam (9) medium-sized sacks; animnapu’t anim (66) piraso ng hindi pa tapos na “Kwitis”; animnapu’t walong (68) piraso ng hindi pa tapos na Whistle Bombs; isang (1) green belt bag na may kasamang hammer at cutter; dalawang (2) coin purses na naglalaman ng plastic injector at grinding stone bit; isang (1) weighing scale; tatlong (3) tape dispenser, at iba pang paraphernalia para sa paggawa ng paputok.
Dinala ang lahat ng nakumpiskang kagamitan at materyales sa San Ildefonso MPS para sa tamang dokumentasyon at disposisyon.
Pinaalalahanan ni PCOL. ANGEL L. GARCILLANO, Provincial Director ng Bulacan Police Provincial Office, ang publiko na mahigpit na ipinagbabawal ang paggawa ng paputok nang walang kaukulang permit.
Hinikayat din ni PD Garcillano ang mga mamamayan na makipagtulungan sa kapulisan sa pag-uulat ng anumang iligal na aktibidad upang mapanatili ang kaligtasan at kaayusan sa lalawigan ng Bulacan. ###






