By Perfecto T. Raymundo, Jr.
PASIG CITY — Kuya JB Pallasigue, “Anak ng Cainta”, 47 years old, an independent candidate for the First District of Rizal in the May 12, 2025 elections ay nagnanais ng maganda para sa Cainta at para sa unang distrito ng Rizal saying that “change is coming. Iba naman.”
During Wednesday’s (Dec. 4) Kapihan sa Metro East Media Forum organized by the PaMaMariSan-Rizal Press Corps and supported by the Pinoy Ako advocacy group, binanggit ni Pallasigue ang tagal ng pamumuno ng pamilya Ynares since 1971 bilang representante o assemblyman ng Constitutional convention.
54 years na tayo na pinamumunuan ng pamilya Ynares. Noong 1994 nang nagsimula siyang mamuno from Congressman Duavit hanggang sa mga anak – 30 years napakahabang panahon.
Kagaya nga ng kasabihan, walang forever. Kagaya ng tao nauubusan rin ng panahon—retirement. May fresh ideas. Mga bagong ideas. Mga bagong solution. May mga bagong challenges na kailangan ng bagong solutions.
Mga kababayan namin ang nagtulak na tumakbo akong Congressman. Maraming kababayan ko ang nagsasabing bago naman.
Sa aking tingin, ako ay nakapaghanda para magserbisyo sa mamamayan. Nakapag-aral sa America. Masters sa Political Science. Makakapag-ambag nang kahit kaunti dahil sa kanyang credentials.
Ang pinakamalaking legislative district sa buong Pilipinas ay ang First District of Rizal at ang pinakamayamang legislative district sa buong Pilipinas ay ang First District of Rizal at ang pinakamayamang bayan ay Cainta, sumunod ang Taytay at pangatlo ang Angono.
Bukod sa mga basic na dapat gawin, dahil sa yaman at laki ng district, bakit wala tayong economic zone napag-iwanan na tayo ng Batangas at Laguna.
Export processing zone ay trabaho para sa ating mamamayan. Nasaan yan? Pag-aralan at kung pwede, gawin.
Ang Cagayan at Aurora provinces ay may kanya-kanyang economic zones.
We are talking about cityhood. Napakayaman ng Cainta at Taytay. Bakit hindi pa sila nagiging city. Pag ating titingnan ang bayan ng Pasig, titingin mula sa Ortigas Bridge – ibang-iba. “So near and yet so far.”
Bakit ganoon? Ang lapit-lapit natin sa Pasig. Nasa peri-peri tayo ng Metro Manila, and yet ang feeling probinsya. Nasa atin ang tatlong mayayamang bayan sa Rizal, and yet wala tayong tertiary hospital at teaching hospital na rin.
Ang usaping urban poor na kung saan ang Manggahan Floodway ay ipinagkaloob ang lupain sa informal setlers noong panahon ni Pangulong Cory Aquino at binawin noong panahon ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.
“Because I am an independent candidate, I am not beholden to anyone. I am responsible and beholden to my constituents,” he said.
Ipinunto ni Kuya JB na isusulong nya ang “checks and balances” sa pamahalaan sa pamamagitan ng investigation-in-aid of legislation in the House of Representatives.
Ang solusyon dapat angkop sa problema. Dapat may konsultasyon sa mamamayan: Ano ang inyong problema dapat masolusyunan nang angkop na kasagutan.
“Anyone who needs help from the government, give them,” he said.
“Malinis na track record. I am a blank canvass. I think I’m better prepared to take this job (Congressman). My track record would show that I am a good candidate,” Kuya JB said.
“Hindi po ako pulitiko. Ako ay public servant. Malaki po ang pagkakaiba nito. 54 years po tayong pinamunuan ng pamilya Ynares. Humihingi po ako ng 3 taon. Subukan nyo para magkaroon ng kaibahan,” he added.
Sa pananaw ni Kuya JB hindi sapat ang annex legislative office sa Angono. Ang importante ang pulitiko ang lalapit sa tao at hindi ang tao ang lalapit sa pulitiko.
Hinalimbawa nya na ang estudyante pag hindi nagpapakita sa eskwelahan, ineexpell. Dapat ganoon din sa gobyerno.
“Hindi po tayo nandito para manira. This is not a personality-driven campaign. Meron din silang magandang ginawa sa probinsya ng Rizal. Let’s not take it away from them (Ynares),” Kuya JB said.
“Ang paglilingkod-bayan ay hindi ipinamamana. It is not a right. It is earned,” he added.
“I cannot claim that I am the best but I can promise that I can do better. Ang pagiging public service ay hindi po para ako makipagpatayan,” Kuya JB said.
“Marami na pong beses na bumaba ako maging sa laylayan. Nahulog nga po ako sa tulay sa pagbibigay ng tulong,” he added.