Sina Dr. Eliseo S. Dela Cruz, pinuno ng Provincial History, Arts, Culture and Tourism Office o PHACTO at Panlalawigang Tagapangasiwa Antonette Constantino kasama ang mga may-ari ng Event Solution na nagwagi ng unang gantimpala at papremyong P30,000 sa isinagawang Kasalan at Okasyon: Bulacan Bridal Fair and Exhibit Year 6 nitong Huwebes, Setyembre 1 sa Robinsons Place Malolos, bilang isa sa mga aktibidad sa Singkaban Festival 2022. INSET: Ang panalong booth ng Event Solution na nagpapakita ng eleganteng pagkakaayos ng hapag. – PPAO