Personal na bumisita si Gobernador Daniel R. Fernando sa Bulacan PDRRMC Operation Center nitong Sabado, Nobyembre 8 upang tutukan ang real-time monitoring at pangangalap ng surveillance data sa mga mabababang lugar at mga ilog na posibleng maapektuhan ng palakas nang palakas na Bagyong Uwan. Kasama niya si Provincial Disaster Risk Reduction and Management Officer Manuel M. Lukban, Jr., na nagbigay ng pinakahuling ulat sa sitwasyon at mga isinagawang kaukulang hakbang sa pag-iingat. (Mabuhay News Online)






