LUNSOD NG MEYCAUAYAN, Bulacan – Kinatawan ni Obando Mayor
Leonardo “Ding” Valeda ang 8 bayan at lunsod sa Lalawigan ng Bulacan
sa pagtanggap ng unsinkable small watercraft o bangkang pangkaligtasan
nitong Huwebes, Oktubre 20 sa Ubihan Fishport, Bryg. Ubihan sa lunsod
na ito.
Isa ang Bayan ng Obando na nabigyan nang hindi lumulubog na maliit na
bangkang de motor kasama ang mga bayan ng Bulakan, Calumpit,
Hagonoy, Paombong, Pulilan at Bocaue at Lunsod ng Malolos.
Donasyon ng Provincial Science and Technology Office ng Department of
Science and Technology Region III ang 8 unit ng bangkang pangkaligtasan
na imbesyon ng Pilipinong si Ronald Pagsanhan, President ng Filipino
Inventors Society, at kabilang sa programang eCEST o Expanded
Implementation of Community Empowerment through Science and
Technology ng DOST sa ilalim ng proyekto na may titulong “Strengthening
the Disaster Rescue and Relief Capabilities of Poor and Vulnerable
Communities through the Adoption of Locally Developed DRRM
Technologies through the use of Unsinkable Small Watercraft.”
Gawa sa PR Marine Grade Polyresin Composite ang katawan ng bangka.
May timbang na 180 lbs at nabubuhat ng 2 katao. Pinatatakbo rin ng
heavy-duty 7-HP premium-fueled motor engine at naglalaman ng head
gear, life vest jacket, paddle, thermal blanket, spine board, search and
emergency light at siren.
Magagamit ang unsinkable small watercraft para sa early disaster
response at water rescue effort ng Municipa Disaster Risk Reduction
Management Office nang nabiyayaang mga bayan at lunsod
.
Sa kanyang mensahe, pinasalamatan ni Mayor Valeda ang ipinagkaloob
na donasyon dahil ang Obando ay palaging nakakaranas nang pagbaha.
at malakin aniya itong tulong para sa kanyang bayan.
Nagsagawa naman nang pagsasanay at demonstrasyon ang imbentor na
si Pagsanghan kasama ang mga kawani ng PSTO kung paano ang
operasyon ng unsinkable small watercraft sa kailogan ng Ubihan.