Home News Mayor Villarica malaki ang lamang sa survey ng Hypothesis Philippines

Mayor Villarica malaki ang lamang sa survey ng Hypothesis Philippines

0
178

LUNSOD NG MEYCAUAYAN, Bulacan – Malaki ang naging lamang ni Mayor Atty. Henry R. Villarica laban kay Konsehal Mariposa Cabigquez sa isinagawang

non-commissioned survey ng Hypothesis Philippines noong January 2 – 9, 2025, na mayroong 1,000 respondents mula sa lunsod na ito.

Lumabas sa nasabing survey na ninanais pa rin bilang alkalde ng Meycauayan si  Mayor Villarica ng mga Meycaueno na nakakuha ng 80.4% laban kay Cabigquez na nakakuha lamang ng 12.6%.

Ayon sa mga respondents, malaki ang asenso ng Lunsod ng Meycauayan sa pamumuno ni  Mayor Villarica at ramdam ng mga residente ang mga proyekto at programa ng lokal na pamahalaan dahil deretso ito sa tao.

Si kasalukuyang Vice Mayor Jojie Violago naman ang ninanais ng mga residente ng Meycauayan bilang bise alkalde na nakakuha ng 63.2% laban kay Manny Alarilla na nakakuha ng 26.8%. Ayon din sa mga Meycaueno, maganda ang naging performance ni Vice Mayor Violago pagdating sa pagpasa ng iba’t-ibang ordinansa na malaki ang maitutulong sa kanyang mga kababayan.

Mayroong margin of error na +/- 2.5 porsyento ang non-commissioned survey na isinagawa ng Hypothesis Philippines.

Mabuhay News