Ipinapakita ni Meycauayan City Mayor Henry R. Villarica ang tinaggap na Plake ng Pagkilala na ibinigay ng Pamahalaaang Lunsod ng Muntinlupa sa pamamagitan ni Gng. Catherine Mary “Trina” Reyes-Biazon, maybahay at kinatawan ni Muntinlupa City Mayor Ruffy Biazon kasama si Konsehal Engr. Arlene Hilapo. Nasa larawan din sina Konsehal Kat Hernandez(kaliwa) at Konsehal Cocoy Dulalia (kanan) na sumuporta sa isinagawang benchmarking ng Muntinlupa sa negosyo at pasalubong center ng Pamahalaang Lunsod ng Meycauayan. – Meycauayan CICRO

LUNSOD NG MEYCAUAYAN, Bulacan – Isinagawa ng Pamahalaang Lunsod ng
Muntinlupa ang kanilang benchmarking sa negosyo at pasalubong center ng
Lunsod ng Meycauayan nitong Martes, Enero 25 sa bahay pamahalaan, McArthur
Highway, Brgy. Saluysoy ng lunsod na ito.
Pinangunahan ni Gng. Catherine Mary “Trina” Reyes-Biazon, maybahay at
kinatawan ni Mayor Ruffy Biazon ang nasabing benchmarking sa pamahalaang
lunsod kasama si Konsehal Engr. Arlene Hilapo.
Inalam ng Economic Development Cluster ng Muntinlupa kung papaano
pinapatakbo ng Meycauayan LGU ang Negosyo at Pasalubong Center sa
pakikipag-ugnayan na rin sa City Cooperative Office, mga local supplier at City
Treasurer’s Office.
Masiglang ibinahagi ni Mayor Atty. Henry R. Villarica ang best practices ng lokal
na pamahalaan kasama sina Vice Mayor Jojie Violago at ilang Department Heads
sa mga delegado ng Muntinlupa.

Inilibot din ni Mayor Villarica sa ibat-ibang bahagi ng bagong Meycauayan City
Hall ang mga bisita at binigyang kaalaaman sa kasaysayan at kultura ng lunsod sa
pamamagitan ng City Tourism Office.
Nagpalitan naman ng libro patungkol sa bawat kasaysayan ng kinakatawang
lunsod sina Mayor Villarica at Mayora Biazon na isinagawa sa tanggapan ng
alkalde
Nagpakita din ng personal na pagsuporta sina Konsehal Kat Hernandez at
Konsehal Cocoy Dulalia at nakiisa sa pagbabahagi ng tagumpay na tinatamasa ng
Pamahalaang Lunsod ng Meycauayan.