dating Malabon City Councilor Paul Cabrera, Jr.

By Perfecto T. Raymundo, Jr.

LUNGSOD QUEZON – Isang dating konsehal ng Lungsod Malabon na tumatakbo uling konsehal sa halalan sa Mayo 12, 2025, pagkatapos ng 20 taon, ay nangakong palalakasin muli ang negosyo sa siyudad sa harap ng pag-alis ng ilang negosyante. 

Sa Istambay (Ikaw, Sila, Tayo, Ako Maglilingkod sa Bayan) Forum Kapihan sa B Hotel na inorganisa ni Ric Sakai III at pinanday ng mga beteranong mamamahayag na sina Jojo Sebial and Tracy Cabrera nitong Martes (Okt. 22), si dating Malabon City Councilor Paul Cabrera, Jr. ay nagsabing “naghahangad akong muling makabalik sa dating posisyon na aking sinilbihan dahil sa mga problemang aking nasasaksihan.”

“Unlike an ordinary businessman, nakapagkakaitan po tayo ng impormasyon. Ngunit dahil sa mga galamay sa down the line, may mga nakakalagpas po sa aming mahal na mayor,” dagdag ni Cabrera.

“Kung kaya’t naniniwala po ako sampu ng aming mga negosyante, ay nagpasya na mas lalo pa niyang tugunan ang mga problema naooverlooked ng tinatawag nyang mga kasama,” sabi niya.   

Cabrera was supposed to be not to run again but because he saw for himself the problems of his townmates, he decided to run again as Councilor of Malabon City.

“Sa aking pag-iikot napanpansin ko rin (basura) dahil sa aking pag-iikot nakikita ko rin ang problema sa basura,” dagdag nya.

“Labas rin po sa aking kaalaman, ngunit ang bagay na yan ay nasa aming mayor para matugunan. Iyan po ay medyo sensitibo. May puso naman po ang aming Mayor Jimmy Sandoval ngunit sa dami ng problema gaya ng public cemetery na maaaring matugunan sa darating na panahon,” sabi ni Cabrera.

Si Malabon City Mayor Jimmy Sandoval ay hinahamon ng nagbabalik na si Jay Lacson.

“Malaking palaisipan para sa akin dahil kinuha nila ay puro bagito at bata. Mayor Jay Noel Lacson ay tatakbong Mayor ngayon at si Oreta ay para Congressman,” dagdag ni Cabrera.

“Sa ganang akin, kaya po di ako naanyayahan na sumama sa kanilang tiket ay dahil baka maging sagabal ako sa kanila at sa dahilang pinansiyal,” wika niya.

“Hindi po ako kandidato na sasagot lamang ng yes mayor, opo mayor. Hindi po ako ganong kandidato,” sabi niya.

“Gusto ko pong malaman ang ilang aspeto sa mga departamento na may mga problem ana hindi po sila pwedeng sumagot na kapag nagkamali sila sa pagtugon sa amin, ay pwede silang mawala sa hanapbuhay,” sabi ni Cabrera.

“Kaya po ako tumatakbong Councilor (District 2) ay para masolusyonan ang pag-alis ng mga negosyante sa Malabon City at lumilipat ng lugar ng negosyo,” dagdag nya.

Ang mga negosyante ay nagtanong kay Konsehal Cabrera na kung bakit ganoong kataas ng buwis o bayaran ng establisyemento na pansamantalang isinasara kapag hindi nakakabayad.

Kaya po ako nagbabalik ay upang itama ang ganong aspeto at halos lahat ng sentimyento ng mga negosyante na aminin man nila o hindi ay maaaring masakripisyo ang kanilang hanapbuhay.

Kung mabibigyan po ng pagkakataon ng mahalal na Mayor ng Malabon ay maaari siyang makatulong maging sa maliliit na negosyante sa Malabon City.

Tahimik na po ang maraming negosyante at hindi natugunan ang kanilang problema.

Bubuksan po sa aking kaarawan sa Oktubre 30 ang Malabon Public Cemetery na kung saan ang lapida na nakatayo ngayon doon at pangalan lamang ng mga nakahimlay doon dati at alphabetical in order.

Alphabetical order po ang lapida dahil sa computer-based company sa Malabon City na kung saan ang mga buto ay itinabi lamang po sandali sa isang lugar at maibalik kung sakaling maayos na ang ating public cemetery.

In fairness naman po sa dating Vice Mayor Arnold Vicencio, gumagawa naman po siya. Pinangunguhan. naman nya ang dating proyekto ni Arnocol Vicencio.

In coordination with Konsehala Vicencio, dadagdagan po natin ng ibang sports.

Ang atin pong public cemetery ay kaiba sa Tugatog.

Medyo babaan po natin ang buwis na sinisingil sa mga negosyante. Bilang bagong negosyante, ay mababang rates muna. Haharapin po natin kung mababang rates muna dahil medyo kaunti lamang ang mga negosyante.

“Unfortunately, I could not say the same thing sa mga kasamahan nya sa tiket. Sa palagay ko po di pa napapanahon na harapin nila ang gravity ng problema ng lungsod,” Cabrera said.

Gusto ko pong pag-aralan sa Konseho, Committee on Trade and Industry, bago ko po pirmahan.

Ang ilan po sa kanila ay umaais na at ibinebenta na lang ang rights at umaalis na sa Malabon para magnegosyo sa ibang lugar.

P89-million special education fund, 10 porsyento lamang ang ginastos ng Malabon City Government noong 2022.

Ang nakaupo noong 2022 ay si Mayor Jimmy Sandoval. Sa panahong iyon ay nakita ko naman po ang mga school buildings na hindi lamang P10 million ang halaga na kanilang naipatayo.

Yun po ang isang katanungan,pagpaumanhin nyo po hindi op ako nakaupong konsehal.

Ordinaryong citizen lamang po si Paul Cabrera, at nakakapagkait po akin ang impormasyon tungkol sa P89-million special education fund.

Sinabihan si Cabrera na magkonsehal muna siya para magkaroon siya ng kaalaman patungkol sa edukasyon.

“For the eyes lamang po ng kanilang kasama. Hindi po nabbigyan ng pagkakataon ang ibang tao na mapasama sa kanilang hanay,” Cabrera said.

Nauso sa DSWD ang pamimigay ng ayuda na biyaya para sa mga taong nangangailangan na napopolitika at nabibigay lamang sa kanilang kakampi at iyan ay bukas na kaalaman.

Gusto ni Cabrera na makuha ang listahan ng mga dapat na bigyan ng ayuda sa DSWD at sinisiguro nya na kung sinuman ang mga taong may pananagutan ay haharapin nya “kahit na po magalit sila sa akin.”

“Baka naman ika kapag nahalal ka ay di mo man lang masilip kami,” wika ni Cabrera.

Walang sapat na lohistika si Cabrera kaya hindi siya nakasama sa Partido dahil ang pondo ang nanggagaling sa national government.

“Ako po ay tatakbo para Konsehal na Independiente at kung papalarin ay mahalal ng 21 barangay ng Malabon City (District 1 at District 2),” sabi ni Cabrera.

“Wala pong ID-ID System either District 1 o District 2 for as long as legitimate residents of Malabon City,” dagdag ni Cabrera.

Tinuran ni Cabrera na mayroon nang nanalo na Independent candidates sa Malabon City at “Naniniwala po ako na marami pang Independiente na mananalo ngayon (Mayo 2025),” ani Cabrera.

“Yung political will ika nga ay hindi nasasapuso ng ilang opisyales na nakaupo kaya nadedelay ang development ng aming bayan,” saad ni Cabrera.

“Ganoon pa rin ang sitwasyon ng aming lungsod. Yung ibang lugar sa aming bayan ay hindi pa nasisilip ang mga baradong drainage system kasi ay may problema sa kontrata at gusto ko pong makilala ang mga contractor na gumagawa ng drainage system,” sabi ni Cabrera.

“Kung sakaling mabibigyan ng pagkakataon,” sabi ni Cabrera, ay kakasuhan niya ang mga may pananagutan sa malawakang pagbaha sa Malabon City at icocoordinate sa aming Mayor kasi malaking problema yan.

May payout na ibinibigay sa mga senior citizen sa Malabon City sina Mayor Jimmy Sandoval at Congressman Jay Noel Lacson sa pamamagitan ng “blue card”.

More or less or close to 50,000 ang senior citizens sa Malabon City sa ngayon.

Personal na haharapin ni Cabrera ang problema sa nutrisyon sa Malabon City at mayroon namang tutulong na mga sponsor sa kanilang programa.

“Before I used to handle the Committee on Trade and Industry,” sabi ni Cabrera.

“Definitely, I am against political dynasty. Marami namang magagaling na tao sa Malabon na kayang hawakan ang aming lungsod,” dagdag niya.

“I’m very much willing to file a resolution against political dynasty. Gagawin po natin iyan,” sabi ni Cabrera.

Sinabi niya na ang “Typhoon Carina hindi ineexpect pare-pareho ikinalulungkot ko na sabihin na huli na nang matugunan ang bagyo, unless nandiyan na at ang admnistrasyon sa lungsod ay nakadepende sa lakas ng bagyong paparating.”

Umaayon si Cabrera sa “People’s Survival Fund” patungkol sa delubyong dulot ng climate change at “massive information drive” ang kailangan dyan sa tulong ng aming Mayor Jimmy Sandoval.

Committee Chairman si Cabrera noong 2004 ng Cooperatives Committee ng Malabon City Council na nakapagpautang ng hanggang P50,000 nang walang interes.

Si Cabrera ay nagbabalik sa pagkakonsehal o “muchacho” ng publiko in the true essence of the word pagkatapos ng 20 taon at hindi lamang tatlong taon at palapit na siya sa rurok ng kanyang buhay. 

Meanwhile, Philippine Eagle (Original/1972/1976) Founder Col. (Ret.) DG Bobby Ortega bestowed upon broadcast and print journalist Jojo Sebial the “Marcos Rescuer for the Poor” Award.

Bobby “Bungo” Ortega was an outstanding bemedalled policer officer of the Manila’s Finest of the Manila Police District (MPD) and his biopic was depicted by famous movie actor Rudy Fernandez.

Sebial was recognized for his outstanding public service in the field of radio broadcasting and print media.