StingRay

Sa ngayon ay zero budget ang nakuha ng Philippine Health Insurance Corporation o PhilHealth sa National Budget na inaprubahan ni Pangulong Bongbong Marcos noong Disyembre 30, 2024 para sa taong 2025.

Ganunpaman, siniguro ni Pangulong Marcos, Jr. na tuluy-tuloy pa rin ang benepisyong ibinibigay ng PhilHealth at mas lalawig pa ang serbisyo nito.

Sa kabuuang P6.326 trilyon, walang nailaan para sa nasabing ahensya, dahil na rin sa nakareserbang pondo nito na tumataginting na P600 bilyon at sa mga kontrobersyang kinakasangkutan.

Na hindi sana magkakaganun, kung ipinatupad ng mga opisyal ng kagawaran nang tama, ang pagbibigay ng pondo sa talaga naman dapat nitong paglaanan.

May mga medical community and health advocates pa ngang nanawagan sa Administrasyong Marcos para  irestore ang 25 milyong indirect PhilHealth contributors sa nasabing pambansang badyet.

Para makabawi sa isyung kinakaharap, tinaasan na lahat ng PhIlHealth ang mga medical packages na puwedeng i-avail ng mga miyembro nito, na kung noon pa sana nila ginawa dahil sa pagkakaroon nang napakalaking reserve funds, ay wala sana tayong nakikitang mga pasyente sa kaawa-awa nilang kalagayan.

Sayang nga lamang ang nakalampas na oportunidad para mabigyang muli ng karagdagang pondo ang PHilHealth at nasayang ang pagkakataon na maipagkakaloob pa sana ito sa talaga namang nangangailangan ng solusyong pangkalusugan.

At sana nama’y may resolusyon pang maikokonsidera para sa kapakanan ng umaasaang taumbayan.

Dahil ang PhilHealth ay hindi negosyo para mag-imbak ng pondong para sa kung anupaman kundi pera ito ng mamamayan, insurance para sa pangangalaga ng kalusugan ng bawat Pilipino.

PBGEN. JEAN FAJARDO, BAGONG CENTRAL LUZON POLICE CHIEF

Police Regional Office 3 Director PBGen. Jean S. Fajardo

Binabati po natin ang bagong katatalagang Regional Director ng Police Regional Office 3 na si PBrig. Gen. Jean S. Fajardo, dating PNP Information Chief at Spokesperson.

Isang abogado si RD Fajardo na nabibilang sa Class of 1996 ng Philippine National Police Academy at kauna-unahang bababe na naging Regional Director ng PRO3 at kauna-unahan ding humawak ng katumbas na posisyon.

Isusupervise ni PBGen. Fajardo ang operasyon ng mga police offices na nakatalaga sa mga lalawigan ng Aurora, Bataan, Bulacan, Nueva Ecija, Pampanga, Tarlac at Zambales

Pinalitan niya si PBrig. Gen. Redrico  Maranan, dati ring PNP Spokesperson, na  nalipat sa Central Visayas PNP o Police Regional Office 7.