Pinangunahan ni Atty. Julius Victor Degala (kanan), pinuno ng Bulacan Environment and Natural Resources Office, ang talakayan at pagpapalitan ng mga suliranin at mga pinakamahusay na kasanayan tungkol sa sand and gravel management, kasama ang mga delegado mula sa Pamahalaang Panlalawigan ng Nueva Vizcaya sa pangunguna ni Provincial Environment and Natural Resources Officer Tito A. Tangulid (kaliwa), sa isinagawang benchmarking activity nitong Miyerkules Agosto 3 sa Tanggapan ng Gobernador, Bahay Pamahalaang Panlalawigan, Lunsod ng Malolos, Bulacan. Kasama rin sa larawan sina (mula kaliwa) Atty. Edgardo D. Sabado, Provincial Assessor ng Nueva Vizcaya; Atty. Gerard Nelson C. Manalo, OIC Department Head ng Provincial Legal Office; GO-PS Chief of Staff Atty. Jayric L. Amil; Engr. Wilfredo M. De Belen, BENRO-Enforcement Division Chief; Norberto M. Pulumbarit, BENRO-Waste Management and Pollution Control Division Chief; Engr. Dino Jose C. Baltao; BENRO- Natural Resources and Management Division Chief at Evangeline J. Santos, Development Management Officer IV.