Dumalaw at nagbigay-galang ang mga Punong Barangay ng Bayan ng Obando kay Congresswoman Linabelle Ruth R. Villarica ng Ika-4 na Distrito ng Bulacan nitong Biyernes, Hulyo 22 sa tanggapan ng kinatawan.

Pinangunahan ni  Lawa Brgy. Captain Chris Agustin (ika-4 sa kanan), Pangulo ng Liga ng nga Barangay sa Obando ang pagdalaw sa kinatawang kinabibilangan ng kanilang bayan.

Makikita sa larawan na masayang nakasenyas ng LV sina Mayor Villarica at mga kapitan na sina (mula kaliwa) Kap. Manny San Diego ng Brgy. Paco, Leonard Delos Santos ng Brgy. Tawiran, Kap. Ruben Serrano ng Brgy. Catanghalan, Kap. Regina Rivera ng Brgy. Binuangan, Kap. Michael Ramos ng Brgy. Hulo, Kap. Chris, Kap. Mercy Dolorito ng Brgy. Salambao, Kap. Teresita Banag ng Brgy. Paliwas at Kap. Randy Miranda ng Brgy. Pag-asa. Wala sa larawan sina Kap. Ramiro Enriquez ng Brgy. Panghulo at Kap. Danny Roxas ng Brgy. San Pascual.