BAYAN NG OBANDO, Bulacan – Ibinigay ng mga kinatawan ng Mines and Geoscience Bureau o MGB sa Pamahalaang Bayan ng Obando sa pamamagitan ni Mayor Leonardo “Ding” D.C. Valeda ang Obando Flood Hazard Map, sa isinagawang turnover ng mapa nitong Huwebes, Setyembre 23 sa Office of the Mayor, Municipal Hall, Brgy. Paliwas sa bayan na ito.
Natapos na ng MGB ang isinagawa nilang flood hazard mapping na tutukoy sa mga
flood prone area sa Obando.
Isinagawa ng MGB ang mapping validation sa pakikipagtulungan ng Municipal Disaster Risk Reduction Management Office o MDRRMO sa pamumuno ni Fabian Sto. Tonas.
Ang MGB ay nasa ilalim ng Department of Environment and Natural Resources o DENR.
Magagamit ng pamahalaang bayan ang naturang mapa sa decision-making hinggil sa pagbalangkas ng programa para maibsan ang problemang kinakaharap sa pagbaha.
Agad binigyan ni Mayor Valeda ng kopya ng mapa ang Municipal Engineering Office o MEO para magamit nilang basehan sa flood control mitigation.
Sumaksi sa turnover ng flood hazard map ang ilang konsehal ng Sangguniang Bayan na kinabibilangan ni Evangeline Bernardo Bautista, Philip Dela Cruz, Lawrence Banag, Aries Joseph Manalaysay at si
Engr. Jaime Miguel Delos Reyes kinatawan ng MEO.