BAYAN NG OBANDO, Bulacan — Halos 80 porsyento nang tapos ang bubong ng bagong Obando Stadium sa Brgy. Tawiran ng bayan na ito at tuluy-tuloy na rin ang paglalagay ng flooring para sa Phase 1 nito simula Enero 2025.
Malapit nang masilayan ng mga Obandenyo ang ginagawang bagong pasilidad na magiging sentro ng sports, talento, at pagkakaisa ng bayan ng Obando.
Buong kagalakang ininspesksyon kamakailan nina Mayor Leonador “Ding” Valeda kasama sina Konsehal Philip Dela Cruz, Kon, Crina Palao Ramos, Kon. Mico Dela Paz, at Kagawad Erwin Valeda ang nasabing stadium para tignan ang estado ng konstruksyon nito.
“Hindi lang ito basta stadium, ito ang magiging tahanan ng ating mga pangarap at tagumpay. Ito na ang simula ng bagong yugto para sa Obando! Abangan ang mas maraming kaganapan na magpapalapit sa atin bilang isang bayan,” ani Mayor Valeda. – Ni Harold T. Raymundo