
Pinatibay at pinalawak at inaasahang magiging atraksyon
BAYAN NG OBANDO, Bulacan — Puspusan na ang pagawain sa konstruksyon ng Pala Pala-Tawiran Mega Dike matapos maglabas ang Department of Public Works and Highways o DPWH nang karagdagang pondo para sa pagpapatuloy ng proyekto.
Humigit kumulang na dalawang kilometro ang haba nang nasabing megadike at anim na metro ang luwang, na inisyatiba ni Congresswoman Linabelle Ruth R. Villarica ng Ika-6 na Distrito ng Bulacan.
Ipinapatupad ng DPWH Bulacan 2nd District Engineering Office ang flood control project na ito sa pangunguna ni District Engineer George DC Santos.
Hiniling ni Mayor Leonardo “Ding Valeda” kay Cong. Villarica ang pagsasaayos ng Pala Pala-Tawiran Mega Dike para epektibong masolusyunan ang pagbaha sa mga barangay ng Lawa, Paco, at Tawiran sa nasabing bayan.
Pinatibay at pinalawak ang naturang mega dike na kapag natapos na ay puwedeng magsalubong ang dalawang light vehicles sa pagdaan dito at inaasahang magiging atraksyon sa Obando bukod sa pagiging solusyon nito sa pagbaha.
Isa lang ito sa malalaking proyekto na ipinapatupad sa bayan ng Obando sa ilalim ng administrasyon ni Mayor Valeda katuwang si Cong. Villarica
Maihahalintulad din ito sa Dampalit Mega Dike ng lunsod ng Malabon na naging mabisang proteksyon laban sa pagbaha at dinadayo rin bilang pasyalan at tourist attraction. – Ni Harold T. Raymundo at Ramon Agustin/Obando Information Office