Nakangiting, umiikot sa kakalsadahan ng bayan ng Plaridel para mangampanya si Atty. Anel Diaz, 1st Nominee ng Pamilya Ko Party-List at mga kasama, sa isinagawang motorcade nila nitong Biyernes, Abril 11 sa Bulacan. – Larawang kuha ni Harold T. Raymundo

BAYAN NG PLARIDEL, Bulacan – Nangampanya at Ikinampanya ng Pamilya Ko Party-List, numero 150 sa balota at kinatawan ni 1st Nominee Atty. Anel Diaz ang kanilang adbokasiya na tinawag nilang “LOVABLES” nitong Biyernes, Abril 11 sa ilang barangay ng bayan na ito.

Kumakatawan ang “LOVABLES” sa  Live-in parents, OFW parents, Victims of domestic abuse, Adoptive families, LGBTQIA+ families, Elderly at extended families, at Single o solo parents, na iba’t-ibang uri o anyo ng pamilyang Pilipinong gustong pangalagaan at ipaglaban ng Pamilya Ko Party-List patungkol sa kanilang mga karapatan.

Mismong ang aktres na si Sunshine Cruz na isang Single Parent o Solo Parent ang nangungunang sumusuporta at nagsisilbing taga-endorso na rin dahil sa nakita nitong magandang layunin ng Pamilya Ko Party-List.– Larawang kuha ni Harold T. Raymundo

Ayon kay 1st nominee Atty. Anel Diaz, produkto mismo nang makabagong pamilyang Pilipino ang kanilang mga programa kung saan ramdam nila ang nararanasang suliranin ng mga nabanggit na sektor.

“Kaya handa naming tugunan ang mga pangangailangan nila tulad ng mga programang pangkabuhayan na makapagpapataas ng antas ng kanilang pamumuhay, at isusulong naming sa Kongreso ang kanilang mga karapatan nang pagkakapantay-pantay sa lipunang ginagalawan,” dagdag pa ni Atty. Diaz.

“Makakaasa rin ang mga Pilipino ng serbisyong tunay at may puso, mula sa numero 150 Pamilya Ko Party-List. Anumang anyo ng pamilya mo, ikaw ang Pamilya Ko,” pagdidiin ng butihing abogado.

Mismong ang aktres na si Sunshine Cruz na isang Single Parent o Solo Parent ang nangungunang sumusuporta at nagsisilbing taga-endorso na rin dahil sa nakita nitong magandang layunin ng Pamilya Ko Party-List.

Kabilang sa nalibot na ng Pamilya Ko Party-List para ikampanya ang “LOVABLES” ang Bacolod, Bataan, Batangas, Cavite, General Santos City, Iloilo, Manaoag sa Pangasinan, Dumaguete, Manila, Lucena sa Quezon, Negros, Rizal , at Bulacan.

Samantala, kalian lang ay napasama ang “Pamilya Ko” sa winning circle na Top 30 na party-list base sa inilabas na survey ng OCTA Research na may petsang Pebrero 22-28. Pinagkakatiwalaan ang nabanggit na survey firm na isang non-profit at independent public opinion research organization. ###