Inanunsyo ni Gobernador Daniel R. Fernando ang pansamantalang pagpapaliban ng implementasyon ng Executive Order No. 21-2022 simula sa Oktubre 26 hanggang sa susunod na abiso sa idinaos na muling pagpupulong ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan sa pamamagitan ng Bulacan Environment and Natural Resources Office at ang mga miyembro ng sektor nang pagmimina sa lalawigan, na ginanap nitong Huwebes, Oktubre 20 sa Hiyas ng Bulacan Convention Center, Lunsod ng Malolos. Kasama rin sa larawan sina (mula sa kaliwa) Bokal Aye Mariano, Chairman ng Committee on Environment and Climate Change ng Sangguniang Panlalawigan, Bokal Art Legaspi, Vice Chairman ng Committee on Ways and Means, Provincial Legal Officer Atty. Gerard Nelson C. Manalo at Provincial Administrator Tonette Constantino. – Larawang kuha ni Harold T. Raymundo

LUNSOD NG MALOLOS, Bulacan – Ipinagpaliban ni Gobernador Daniel R.
Fernando ang pansamantalang suspensyon nang pagmimina sa buong lalawigan
simula Oktubre 26.
Inanunsyo ni Gob. Fernando ang kautusang nabanggit sa muling pagpupulon ng
mga taong nagmula sa sektor nang pagmimina at ng Pamahalaang Panlalawigan ng
Bulacan na pinangasiwaan ng Bulacan Environment and Natural Resources Office
sa pamumuno ni Atty. Juvic Degala, nitong Huwebes, Oktubre 20 sa Hiyas ng
Bulacan Convention Center sa lunsod na ito.
Kailan lang ay ipinatupad ng lokal na pamahalaan ang Executive Order No. 21-
2022 na nagsususpindi pansamantala sa lahat ng quarry permit, special permit para

sa land development, gratuitous permit, dredging/desilting permit at iba pang
mineral extractive type na operasyon sa Lalawigan ng Bulacan, na
nangangahulugan sa kabuoan nang pansamantalang pagpapatigil nang pagmimina
sa lalawigan.
At ang implementasyon ng EO No, 21-2022 ang pansamantalang ipinagpapaliban
na nangangahulugang tuloy nang muli ang legal mining at quarry operation sa
Bulacan.
Ani Gob. Fernando, maaari nang magpatuloy ang mga nasa sektor nang
pagmimina sa mga quarrying operation alinsunod sa mga alituntunin na ibinigay
ng BENRO kung saan ang mga aplikante at existing holder ng special, quarry at
iba pang katulad na permit ay binigyan ng bago at modified na mga alituntunin
patungkol sa environmental sustainability ng kanilang mga operasyon kabilang na
ang hauler, blasting company, processing plant, cement company at bentonite
operator.
“Ginagawa na rin ngayon ng Sangguniang Panlalawigan ang ordinansa hinggil sa
overloading at quarrying, dagdag pa ng gobernador.
“Temporarily, I will resume the lifting of temporary suspension by October 26.
Ibig sabihin, kaya ko sinabing temporary, hindi ko bibigyan ng tuldok na regular or
permanent because ginagawa pa ng Sangguniang Panlalawigan ngayon ang
ordinance ng overloading at pati ‘yung sa illegal quarrying. Iyon ang hihintayin
natin at magre-resume tayo sa pagiging regular at permanent,” ani Fernando.
Sa kanyan namang mensahe, sinabi ni BENRO Chief Atyy. Degala na umaasa
siyang magkaroon ng win-win situation para sa Pamahalaang Panlalawigan at mga
miyembro nang sektor nang pagmimina.
“Panalangin ko pong maging madiplomasiya ang pagpupulong na ito upang sa
ganon ay makahanap tayo ng win-win solution, na panatag ang loob ng
Pamahalaang Panlalawigan na hindi tuluyang mawawasak ang inang kalikasan;
pumasok ang kita sa kaban ng bayan at ang sektor nang pagmimina ay makakapag-
hanapbuhay nang matiwasay dahil ligal at dokumentado ang lahat nang ginagawa.
Sa sektor nang pagmimina, hindi po tayo magkaaway, tayo po ay magka-partner,”
ani Degala.
Bukod dito, iginiit ni Gob. Fernando na kapag nakahuli sila ng isa hanggang
tatlong indibidwal o mga kumpanya na hindi sumusunod sa mga tuntunin at

regulasyon, muling ipatutupad ng Pamahalaang Panlalawigan angg quarrying ban
na tiyak na makaaapekto sa mga nasa sektor nang pagmimina.
Mahigpit din niyang pinaalalahanan ang mga ito na huwag suhulan ang sinuman
kabilang siya at ang mga watchman para makamit ang layunin nang pagpapatupad
ng E.O. 21-2022.
“Ito po ang tatandaan ninyo; kapag ni-lift ko ito (EO.21-2022), huwag kayong
maglalagay at magbibigay ng kotong kahit na kanino na nanghihingi sa inyo.
Kapag nalaman ko ‘yan, pati ikaw na nagbigay ay apektado. Gusto ko na kumita
kayo ng husto, huwag kayong magbibigay, kahit iyong mga watchman, isumbong
ninyo sa akin. Ang mahalaga, be a responsible miner, be responsible to our
environment. Please do not tolerate them. Kasi hindi po tayo maaayos kapag
ganyan at ipinagpatuloy ang ganito,” pakiusap ng gobernador.