Ni Perfecto T. Raymundo, Jr.
QUEZON CITY — Ang National Confederation of Tricycle Operators and Drivers Association of the Philippines (NACTODAP) at ang National Public Transport Coalition (NPTC) ay nanawagan kay President Ferdinand “Bongbong” R. Marcos, Jr. na ipatigil ang Motor Cycle (MC) taxi expansion hanggang magkaroonn ng dayalogo sa stakeholders.
Sa isang pulong balitaan nitong Miyerkules (Dec. 18), sinabi ni Ariel Lim, National President of NPTC, “nagulat kami dahil 2,500 units per company sa Region 3 (Central Luzon) at Region IV-A (Calabarzon) na nagdagdag ng 8,000 MC taxis.”
“Dahil hindi sila makapagdagdag sa Metro Manila kaya nagdagdag sila sa katabing Region 3 at Region IV-A.
Nakikita nilang baka di na kumita ang mga tricycle drivers ngayong Kapaskuhan.
Way back 2017, nilabanan na ang habal-habal.
” Walang kaming tutol sa MC. Wag lang kayong magdagdag.
” Sa Angeles City, Pampanga hindi pumayag si Mayor Carmelo Lazatin, pero pumasok ang Maxim.
“Dati kumikita ng P600, P700, ngayon, swerte na maka P300 kada araw.” “Hapag-kainan ng bawat pamilya ang ipinaglalaban ko.
” Ipinagbawal na sa Mabuhay lane ang tricycle. Lumiliit na ang espasyo namin.
From Davao City, dumiretso si Lim sa PITX from the domestic airport, nakita nya ang mga habal-habal na naglipana sa daan.
“Irespeto naman sana nila ang pakiusap kasi wala ng kinikita ang tricycle dahil diretso na ang MC taxi sa subdivision.
” Hindi ko na ho kayang saluhin. Baka po magkasakitan na. Baka may mangyari sa mga TODA sa Las Pinas City.
“Mr. President, nagpunta po sa inyo si Grab.
” Kaya ako nagpunta ako sa Davao, may nagrereklamo ng tricycle drivers.
“May paper trail na positive na may tumatanggap na mga opisyal ng LTFRB.”
Humihiling sila sa gobyerno na kausapin sila pero hindi sila pinagbibigyan.
“Yung mga tricycle sa Cavite, sa Molino at sa Bacoor City ay nagrereklamo na ang mga TODA laban sa MC taxi sa kanilang lugar.
” Kahit ipahuli, hindi gagawin kasi may approval sila sa LGU.
“Ang mga TODA ay may mga organisasyon na nagsusumbong sa aming kalupunan.
” Wag munang magdagdag ng MC taxis kasi
may tatlo na — Joy Ride, Angkas at Move it.
“Isinusulong din namin ang Magna Carta for Tricycle na nakapasa na sa Kongreso sa Third and Final Reading.”
Sinabi ni Jopet Sison, Founding Chairman of QC Tricycle Franchising Board, “1995 ipinasa ang Franchising Ordinance at tumutulong sa TODA.”
“Nakikita ko na maaapetuhan ang mga tricycle driver ng MC expansion,” dagdag nya.
“Medyo hindi maganda ang pagbbigay ng prangkisa ng LTFRB na dapat may scientific study at consultation patungkol sa MC taxi sa buong Pilipinas base sa road measure capacity,” sabi nya.
“Wala pang batas na nagsasabing PUV ang MC taxis.
” Magkaroon ng national transport plan.
Kukwestiyunin po namin ang pag-issue ng Memorandum Circular para sa prangkisa ng MC taxis.
“National, yan ang trabaho ng national, ng LTO para sa konsultasyon tungkol sa national transport plan na mag-aaral ng transport network gaya ng MC taxi sa isang lugar.
” Hindi namin tinutulan ang MC taxis subalit dapat regulated.
“Dahil sa evolution, mayroon ng app na pinadali ang transport technology na sinasang-ayunan namin pero dapat regulated at may control.”
Sinabi ni Reynaldo Bautista, Secretary General of NACTODAP, “ang isyu ng MC since 2017 hanggang ngayon, malaki na ang kanilang kinita.”
“Ang LGU, sa ilalim ng Office of the Mayor, ang nagkakaloob ng prangkisa sa tricycles.
” Ang tricycle po ay under ng public utility vehicle (PUV) at may third party liability.
“Ang DILG ay dapat makialam na dito lalo na kaugnay sa road measure capacity.
Traffic ang pinag-ugatan ng problema.” “Solution daw ang MC taxi subalit kung saan-saan sila nakakarating.
” Ang lahat ng siyudad ay full capacity na pagdating sa tricycle.
“Dati jeepneys are the king of the road. Ngayon, MC taxi na ang king of the road.
” Ang pangako, matatanggal ang habal-habal, ngunit mukhang nadoble pa at gumagamit pa ng multi-app pa. “