Ni Perfecto T. Raymundo, Jr.
LUNGSOD QUEZON — ipinanawagan ng Kilusan Ng Manggagawa Socialista, Inc. (Socialista) nitong Byernes (Dec. 27) na huwag iboto ang political clan sa Senado.
Sa isang pulong balitaan sa Kamuning Bakery & Cafe, sinabi ni Mercedes “Ding” Villasin, Secretary General ng Socialista, na magsasagawa rin sila ng pagkilos para isapubliko ang listahan ng mga senatorial candidates na ipapa-disqualify ng kanilang grupo sa Comelec para sa 2025 midterm elections.
Ayon kay Villasin, kanilang ipepetisyon na tanggalin sa listahan ng mga kandidato sa pagkasenador sina Sen. Ramon “Bong” Revilla, Jr., mag-anak na Tulfo, at Pastor Apollo Quiboloy.
Sinabi ni Adonis Escueta na maghahain kami ng petisyon sa Comelec upang kwestiyunin ang kanilang citizenship.
Kami pong Socialista ay independent. Wala po kaming kandidato.
Baka po matulad sa nangyari kay dating Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo na disqualified dahil hindi siya tunay na Pilipino.
Ayaw na naming maulit ang nangyari sa Tarlac na nakatakbo at nanalong mayor ng Bamban si Alice Guo pero nadisqualified sa huli dahil hindi totoong Pilipino.
Sinabi rin ni Villasin na kaya nga itong Socialista sinusuri namin lahat ng kandidato lalo na si Pastor Quiboloy na sinalaula ang mga kababaihan.
Nakakasulasok ang ginawa ni Quiboloy.
Yung mga natalong kandidato noong 2022
ay tumatakbo sa Party-List elections sa May 12, 2025.
Kailangang linisin muna ng Comelec ang listahan ng mga kandidato sa May 12, 2025 national at local elections bago siya mag-imprenta ng balota.
Kailangan ang neuro-psychiatric test sa qualification ng mga kandidato.
Kaya ang Socialista ay patuloy na nananawagan ng pagkilos lalo na sa nangyari sa PhilHealth na inalisan ng budget.
Ayaw namin sa mga balahura, magnanakaw, rapists na handang iharap sa Comelec ang aming pagtutol sa kanilang kandidatura.
Isasampa namin ang disqualification case sa Korte Suprema sa Jan. 3, 2025 at pagkatapos ay ilalabas namin ang listahan ng mga kandidatong dapat disqualify pati na rin ang mga Party-List na dapat idisqualify.
Ang kailangan nating gawin ay ieducate sila (botante) tungkol sa political dynasty na bulok at nangangamoy na.
Ang dapat talaga ay baguhin ang sistema sa pamamagitan ng pagkilos at pagsasama-sama ng mga uring manggagawa.
Pinag-aaralan ng Socialista ang kandidatura para Senador nina Ka Leody De Guzman at Atty. Luke Espiritu, na kapwa Lider Manggagawa at kasama sa hanay at pagkilos ng Socialista.
Sinabi ni Jonel Bucad na tuloy tuloy po ang aming panawagan para sa disqualification ng mga kandidatong di karapat-dapat.