LUNSOD NG SAN JOSE DEL MONTE, Bulacan – Pinalakas ng PrimeWater Infrastracture Corporation ang suplay ng malinis na inuming tubig at pinagbuti ang kanilang serbisyo sa mga parokyano nito, hindi lamang sa lunsod na ito kundi sa iba pang bayan at siyudad sa lalawigan.
Kabilang sa mga lunsod at bayan na may ka-joint venture ang PrimeWater na Water District ang San Jose del Monte, Malolos Meycauayan, Marilao, San Ildefonso, San Rafael at Paombong.
At para makapagbigay ng detalyadong impormasyon hinggil sa kalagayan ng kanilang pagseserbisyo sa lalawigan
minabuti ng PrimeWater na magsagawa ng iba’t-ibang “consumer education program” bilang Corporate Social Resoponsibility na rin.
Nagsagawa din ng “media educational tour” ang PrimeWater Bulacan Area na dinaluhan ng ilang piling mamamahayag sa lalawigan nitong Miyerkules, Agosto 24 sa 2 pasilidad ng PrimeWater San Jose Del Monte City o PW SJDMC.
Mismong si PrimeWater Central Public Relations Head Mavic Chavez Ching ang umagapay sa mga mamamahayag upang maipakita ang mga importanteng detalye, kung paano gumagana ang kanilang pasilidad at anong benepisyo ang maihahatid nito sa konsumer.
Ang 2 pasilidad na pinasilip sa mga media ay ang Amihan Booster Tank o Tanawin Tank at ang Grand Cypress Water Treatment Plant na parehong nasa barangay ng Tungkong Mangga.
Ayon kay Engr. Iluminado “IC” B. Caramol, Jr., Branch Manager ng PW SJDMC, ang Amihan Booster Tank ang nagsisilbing receiving facility sa binibili nilang tubig mula sa Bulacan Bulk Water. Iniipon pataas sa tangke ang tubig at irerelease by gravity sa 10 barangay ng Lunsod ng San Jose Del Monte.
Naitayo ang nasabing tangke noong taong 2019 sa Amihan Road, Brgy. Tungkong Mangga at naging operational buwan ng Nobyembre ng taong ding iyon. May diametrong 14.95 na metro ang tangke ng tubig at taas na15.24 na metro, katumbas ng 5 palapag na gusali at kayang maglaman ng 2,500 metro kubiko o 25 milyong litro ng tubig,” dagdag pa ni BM Caramol
Ipinakita rin sa mamamahayag ang proseso ng pangatlo nilang water treatment plant na mula sa kulay kape na tubig hanggang sa luminaw ito.
Sinundan nang maikling talakayan sa pagitan ng mga mamamahayag at mga branch manager ng PrimeWater Bulacan Area, matapos ang isang video presentation kaugnay sa operasyon ng bawat branch na ipinresenta ni Engr. Vic Vintac, Operations Head ng PrimeWater.
Samantala hinimok ng mga branch manager ng kumpanya sa Bulacan ang publiko na pumunta sa kanilang mga tanggapan kung may mga problema sa kanilang serbisyo para malapatan nang agarang solusyon.