Oplus_0

KAMPO OLIVAS, Lungsod ng San Fernando, Pampanga — Nanatiling payapa at maayos ang pagdiriwang ng Undas 2025 sa Gitnang Luzon, sa kabila ng dagsa ng mga biyahero at bumibisitang mamamayan.

Sa ilalim ng pamumuno ni PBGEN Ponce Rogelio I. Peñones Jr., Regional Director ng Police Regional Office 3 (PRO3), mahigit 3,000 pulis ang naka-deploy sa mga lansangan, terminal, sementeryo, at simbahan upang tiyakin ang kaligtasan ng publiko.

Ang operasyon ay nakaangkla sa Focused Agenda ni Acting Chief, PNP PLTGEN Jose Melencio C. Nartatez Jr., partikular sa Enhanced Managing Police Operations at Strengthened Community Partnership. Patuloy ding nagsasagawa ng mga inspeksyon ang Red Teams at Area Supervisors upang mapanatili ang disiplina at kahandaan ng mga tauhan.

Nagpaabot ng pasasalamat si PBGEN Peñones Jr. sa AFP, BFP, PCG, LGUs, barangay officials, traffic groups, volunteers, at force multipliers na katuwang ng PRO3 sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan.

“Ang tagumpay ngayong Undas ay bunga ng pagkakaisa at malasakit ng bawat isa sa Gitnang Luzon,” pahayag ni PBGEN Peñones Jr.

Mananatiling naka-deploy at naka-alerto ang mga tauhan ng PRO3 hanggang Nobyembre 5, 2025, upang tiyakin ang ligtas na pag-uwi ng mga biyahero at pagpapatuloy ng mapayapang operasyon. ###