LUNGSOD NG MALOLOS, Bulacan — Nadakip ng mga tauhan ng Bulacan Police Intellegence Unit ang isang Most Wanted Person ng Lungsod ng Malolos na may kinakaharap na dalawampu’t apat (24) na bilang ng Qualified Rape of a Minor at isang (1) bilang ng Rape Thru Sexual Assault in Relation to R.A. 7610 (Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act) nitong  Miyerkules, Nobyembre 12 sa lungsod na ito.

Batay sa ulat ni PLTCOL. RUSSELL DENNIS E.  REBURIANO, Hepe ng PIU, nakilala ang naarestong suspek na isang 46 anyos na lalaking tindero at residente ng 100 Hipolito St., sa Brgy. Caingin.

Sa bisa ng Warrant of Arrest na inisyu ni Hon. Francisco Macapagal Beley, Presiding Judge ng RTC Branch 4, naaresto ang suspek sa kanyang tahanan sa pamamagitan ng pinagsanib na pwersa ng Tracker Team ng Bulacan Provincial Intelligence Unit, katuwang ang Bulacan 1st PMFC at Malolos City Police Station.

Ang nasabing mga warrant ay para sa mga kasong Rape Thru Sexual Assault in Relation to R.A. 7610 at Qualified Rape of a Minor (24 counts) na pawang walang inirekomendang piyansa.

Matapos maaresto, ipinaalam sa suspek ang kanyang mga karapatan alinsunod sa Saligang Batas ng bansa at dinala sa opisina ng Provincial Intelligence Unit para sa kaukulang dokumentasyon bago isailalim sa disposisyon ng korte na naglabas ng mga warrant.

Sinabi naman ni PCOL. ANGEL L. GARCILLANO, Provincial Director ng Bulacan Police Provincial Offic na ang tagumpay ng operasyon ay patunay ng patuloy na pagsisikap ng Bulacan PNP na tugisin at papanagutin sa batas ang mga nagtatagong kriminal. 

Hinding-hindi  aniya magtatagumpay ang mga lumalabag sa batas sa ilalim ng kanilang mas pinaigting na kampanya laban sa mga wanted persons. ###