Kinakausap ni Gobernador Daniel R. Fernando ng lalawigan ng Bulacan ang mga binahang residente ng Brgy. Taliptip sa bayan ng Bulakan, kasabay ng isang relief operation na pinangunahan ng Provincial Social Welfare and Development Office noong Martes, Hulyo 22, upang magbigay ng pag-asa sa kabila ng pananalasa ng habagat na pinalakas ng mga Bagyong Crising, Dante, at Emong.