LUNSOD NG MEYCAUAYAN, Bulacan — Namahagi ng P2,000 at  food pack sa bawat 2,500 na Meycauenos si Senador Christopher Lawrence “Bong” T. Go noong Agosto 19 sa Tanggapang Pandistrito ni Congresswoman Linabelle Ruth R. Villarica sa Brgy. Saluysoy sa lunsod na ito.

Katuwang ni Sen. Go sa pamamamahagi ng inisyal na ayuda si Congw. Villarica at Mayor Henry R. Villarica, kasama ang actor na si Phillip Salvador,  Vice Mayor Jojie Violago, at mga miyembro ng Sangguniang Panglunsod  sa pangunguna ni Konsehal Kat Hernandez.

Patuloy ang ginagawang pag-agapay ng Senador sa mga apektadong Meycauenos na
lubos na binaha bunsod ng paghagupit nang nagdaang  bagyong Carina na pinalakas ng hanging Habagat.

Pinondohan ng Local Government Support Fund ang ipinamahaging mga ayuda, kung saan pinrayoridad ng mambabatas na isama sa mavabahaginan ng tulong ang lunsod ng Meycauayan.

Sa kanyang mensahe bago simulan ang pamamahagi, sinabi ni Go na huwag nang magpasalamat sa kanya ang mga benepisyaryo sa tulong na kanyang inihandog bagkus ang senador pa ang nagpapasalamat sa mga Meycauenos dahil binigyan siya nang pagkakataong makapagserbisyo sa kanila.

Nagpasalamat din si Mayor Villarica kay Sen.  Go sa ayudang inihandog sa mga taga Meycauayan kung saan 80 porsyento rito ang labis na nalubog sa mula baywang hanggang leeg na baha. – Ni Harold T. Raymundo