
BAYAN NG HAGONOY, Bulacan – Patuloy ang ginagawang pamamahagi ng mga food pack at tulong pinansyal ni Senador Christopher Lawrence “Bong” Tesoro Go sa mga mahihirap na pamilyang Pilipino sa buong bansa.
At nito lang Miyerkules, Oktubre 9 sa Hagonoy Evacuation Center sa Brgy. Sto. Nino ng bayan na ito, personal na pinangunahan ni Senador Go ang paghahandog ng P2,000 bawat pamilya sa 1,500 na benepisyaryo, na may kasamang mga grocery pack.
Matatandaang noong buwan ng Agosto, namahagi din ng mga food assistance at tulong pinansyal si Senador Go sa 2,500 na residente ng ryLunsod ng Meycauayan na lubha ring naapektuhan ng bagyong Carina.

Pinondohan ng Local Government Support Fund o LGSF ang ipinamahaging tulong pinansyal, sa inisyatiba ni Sen. Go para sa mas nangangailangang Bulakenyo.
Kinatuwang naman ng mambabatas ang Pamahalaang Bayan ng Hagonoy sa pamumuno ni Mayor Flordeliza “Baby” C. Manlapaz, para sa maayos na pamamaraan nang paghahatid ng biyaya para sa residente ng nasabing bayan, na lubha ding naapektuhan ng pagbaha dulot nang nagdaang bagyong Carina na pinalakas ng hanging Habagat
Sa kanyang mensahe, bago simulan ang pamamahagi ng biyaya, buong pagpapakumbabang, inihayag ni Go ang pagsusulong niyang mababaan ang binabayaran sa Philhealth nang pangkaraniwang mamamayan.
“Isusulong po namin ang batas na babaan po dapat ang premium contribution dahil suweldo po natin ang kinakaltas dyan sa Philhealth po, dapat po ay papakinabangan ng mga ordinardyong Pilipino, sa inyong hospital billing,” anang Senador.
Inanusyo din ni Sen. Go ang kahandaan ng kanyang opisina sa pagtulong sa mga nangangailangang pasyente.
“Sabi ko sa inyo kanina, bukas po ang aking opisina sa inyo. Sa abot ng aking makakaya, kung ano ang maitutulong ko, kung meron kayong mga pasyente na nangangailan po ng tulong sa Maynila, kailangan po ng tulong dun, tutulungan ko po kayo. Pati pamasahe nyo po hanggang makabalik po kayo sa Hagonoy, tutulungan ko po ang inyong pasyente,” aniya.
Nakadalo sa pamamahagi ng ayuda si Senatoriable Phillip Salvador, Bise Gobernador Alex Castro, mga miyembro ng Sanggunuiang Bayan at mga punong barangay sa bayan ng Hagonoy – Ni Harold T. Raymundo