Nagdiwang ng ika-40 taong anibersaryo ang Saint Pascual Institution Elementary Batch 1984 nitong Sabado, Disyembre 28 sa Salambao Grill, Brgy. Catanghalan, Obando, Bulacan.  Makikita sa larawan ang kasayahan ng mga dumalong nabibilang sa Grade 6 Sampaguita, Lirio, at Geranium taong 1984 kasama ang kanilang punong guro noon na si Gng. Virginia Martin Geronimo (Unang hanay, ika-4 sa kaliwa). Nasa larawan din at nagbigay ng kanilang mahalagang presensya at mensahe sina (mula kanan) Gng. Consolacion Manalaysay Crystal, Gng. Julita Bernardo, Gng. Jocelyn De Guia Anselmo, Gng. Nilda Talag, Gng. Erlinda Malay, Gng. Emelita V. Juan, G. Felix Llabay (maintenance ng paaralan), at asawang si Prudencia.