StingRay Ni Harold T. Raymundo

BENRO CHIEF ATTY. DEGALA, SERYOSO SA PAGTUPAD SA TUNGKULIN

Tila nakahanap na ng katapat ang mga iligal na nagmimina sa Bulacan sa katauhan ni Bulacan Environment and Natural Resources Officer Atty. Juvic Degala.

Seryoso sa pagtupad sa katungkulan sa iniatang na misyon mula kay Gobernador Daniel Fernando na sawatahin ang iligal na pagmimina sa buong lalawigan.

Ginagawang umaga ang gabi at hindi alintana ang paglakad ng mga oras, magampanan lamang ang sinumpaang tungkulin at  mahigpit na tagubilin ng gobernador sino pa man ang masagasaan.

Saksi ang kolum na ito sa mga naging bunga ng seryosong pagtatrabaho ni Atty. Juvic.

Nito lamang Martes, Setyembre 6, nakasama si StingRay sa biglaang inspeksyon ni Gob. Fernando at BENRO Degala, kasama ang kinatawan ng kapulisan sa nadiskubreng iligal na pagmimina nang mataas na uri ng escombro o bulik sa Sitio Alimasag, Brgy. Camangyanan sa Bayan ng Santa. Maria.

Nahuli na ang mga iligal na minero na pawang mga residente doon at sinampahan na ng patung-patong na kaso na kanilang nilabag.

Nakausap din ni StingRay ang isa pang gustong magbigay ng impormasyon kay Atty. Juvic sa diumanong iligal na pagmimina sa isa pang lugar sa lalawigan.

Suporta ang bumubuhos sa magiting na abogado sa kanyang seryosong pagtatrabaho, maging sa mga mamamahayag na kanya rin namang pinakikisamahan.

Hangad ng kolum na ito ang tagumpay ng bawat operasyon ng inyong tanggapan at ng Pamahalaang Panlalawigan sa kabuoan Atty. Juvic.

Dahil ang tagumpay ninyo ay tagumpay ng nakakaraming Bulakenyo dahil sa pagpreserba at pagpigil sa pagkawasak ng ating kalikasan at kapaligiran.

Kudos to Atty. Juvic, kudos to Gob. Danie! Bayani kayo ng kasalukuyang panahon.

HINAING NG CAFGU SA ISANG REHIYON

Isang mensahe mula sa social media ang natanggap ni StingRay mula sa Citizen Armed Force Geographical Unit o CAFGU sa isang rehiyon.

May 3,000 ang kanilang puwersa na karamihan ay may kaparehong hinaing sa kani-kanilang sitwasyon.

Hindin aniya makabubuhay ng isang pamilya ang ganansyang kanilang natatanggap sa kagawarang kanilang kinaaniban.

Nabigyan naman ni StingRay ng kaukulang pagpapayo kung ano ang kanilang dapat gawin.

Ika nga’y umuusad ang kanilang ipinaglalaban at hangaring makamtan ang minimithing solusyon sa kanilang suliranin.

May gaang sa pakiramdam ang pagtiwalaan ng hindi mo naman personal na kakilala at inaasahan ang tulong na iyong ibabahagi sa pamamagitan ng pag-akay sa landas na kanilang dapat tahakin.