Nagkaroon ng bihirang pagkakataon si StingRay na icoordinate ang konsultasyon
ni Vice Chairman Youngjun Kim ng United Press International sa mga
pinagpipitagang media organizations sa ating bansa.
Sa limang araw na working visit ni Vice Chair Kim, isang malaking karangalan na
makasama at makaharap ko din ang mga Very Important Persons ng Media
Industry tulad ng Presidential Task Force on Media Security (PTFoMS), National
Press Club (NPC), Philippine Press Institute, The Manila Bulletin at The Manila
Times.
Syempre, hindi mawawala sa listahan para kapanayamin ni Vice Chair Kim, ang
mga opisyal at miyembro ng Bulacan Press Club Inc, ang pinakamatandang
samahan ng mga mamamahayag na aking kinabibilangan bilang Vice President.
Mabunga ang pakikipag-usap ni Kim sa bawat media organization, na anumang
impormasyon na kanilang nalalaman ay buong pusong ibinabahagi sa opisyal ng
UPI.
Nag-alala si Vice Chair Kim sa ilang mga bloggers na naglipana sa social media at
nagpapakalat ng maling impormasyon sa pamamagitan ng Facebook at Youtube
na hindi naman beripikado at may halong panlilinlang sa publiko.
Sa panimulang proseso, gusto ng UPI na magkaroon ng “Universal Code of Ethics
for Journalists” para sa mga mamamahayag at dapat managot ang sinumang
lalabag dito.
Na sinangayunan ng bawat media organization at pagtatakda ng isang
“roundtable discussion” sa darating na Disyembre na bubuo sa inaadbokasiya ni
Vice Chair Kim.
Gusto rin ng international news organization na magtatag ng model network of
journalists na magbabalita ng isang standard kind of news.
Naipaalam namn kay Kim ang pagdiriwang ng “National Newspaper Day” sa bansa
na gaganapin sa Disyembre 13 at pararangalan ang mga pinakamagaling na
istorya na nailimbag sa mga pahayagan.
Maganda ang naging tingin ni Vice Chair Kim sa mga Pilipino at gusto niya tayong
gawing role model sa Asia at maging sa buong mundo.
Naisama din sa binisita ni Vice Chairman Kim ang Bulacan Polytechnic College
Main Campus sa Malolos City. Ang pamantasan na may pito pang campuses sa
buong lalawigan ng Bulacan.