BOLUNTERISMO, isang pamamaraan nang paglilingkod at pagpapakita ng pagmamahal sa kapwa at sa lipunang kanyang ginagalawan.
Iba pang katawaga’y bayanihan at pagdadamayan , sa isang layuning makabubuti sa karamihang mamamayan.
Pamamaraang isinasabuhay ng Philippine Red Cross para sa kapakanan ng mahigit sa 100 milyong Pilipino.
Akma sa pinuno ng nasabing tanggapan na si Senador Richard “Dick” J. Gordon bilang President and Chief Executive Officer, na siyang tumitimon sa magandang pamamalakad ng organisyasyon.
Kilala naman natin si Senador Gordon, na siyang naglunsad din ng bolunterismo sa Subic, Olongapo na lubhang naapektuhan nang pagputok ng Mt. Pinatubo taong 1991.
Sinundan pa ng pag-alis ng base militar ng Amerika sa loob ng Subic Naval Base, na lalo pang nagpabagsak sa ekonomiya at paghirap nang pagharap sa lagay nang pamumuhay sa nasabing lugar at kalapit bayan at siyudad.
Na sinolusyonan nang pag-usbong ng bolunterismo sa apektadong lokasyon at pagpapalakas nito sa pangunguna noon ni Sen. Gordon.
Dito nakabangon ang bagsak na kalakalan at sa loob ng Subic Bay Metropolitan Authority o SBMA na pinamunuan ni Gordon bilang administrador.
Naranasan natin ang kabutihang dulot ng mga pinagpawisan ni noo’y Administrador Gordon at ng kanyang mga kasamahang mga volunteers sa loob ng dating base militar.
Hindi nga ba’t sa pagpasok natin sa loob ng SBMA, nakita natin ang istriktong pagpapatupad ng mga simpleng regulasyon sa trapiko.
Takot, na baka magkamali sa pagtawid ng sasakyan sa kanilang mga kakalsadahan, na alam naman din nating para sa kabutihan ng pangkalahatan.
Dito natin napagtanto na disiplinado din naman ang mga Pilipino, kapag may istriktong nagpapatupad lamang ng mga dapat sundin, taliwas sa mga kaisipang walang disiplina ang karamihan nating mga kababayan.
Ganoon din pagdating sa ibang bansa, nakita natin kung paano sumunod ang bawat Pilipinong nananahan doon.
At sa pamamahala ni Senador Gordon sa PRC, naitatag ang Rescue 143. 1 leader at 43 na followers sa bawat barangay, mga volunteers na siyang magtuturo sa bawat indibidwal nang kung ano ang gagawin sa panahon ng disaster at emergency.
Kasanayang nagpapalakas sa atin at kasamang humuhubog sa pagiging resilient nating mga Pilipino sa panahon ng kalamidad.
143, na may kahulugang I Love You. Pagmamahal na handog ng Red Cross sa bawat Pilipino.
Ika nga ng isa sa provincial chapter administrator ng Philippinen Red Cross na si Administrator Ricardo Villacorte ng Bulacan, “kailangang tumulong tayo sa ibang tao. Dapat hindi tayo nakapokus sa sarili natin dahil kapag tumulong tayo sa ibang tao, tutulungan din tayo ng Diyos. Patuluyin sa bawat tahanan ang mga BOLUNTARYO ng RED CROSS 143, para matulungan ang bawat Bulakenyo kung ano ang dapat gawin kapag may disaster at emergency.”
Halina’t ating sagutin ang tawag nang paseserbisyo sa lipunan, tayo nang maging boluntaryo ng Red Cross 143.