Ang bumubuo ng Pamahalaang Baragay ng Catanghalan sa pamumuno ni Kapitan Ruben Serrano (gitna), na naging finalist at itinanghal na Gawaing Pambarangay Trailblazer sa idinaos na Ika-23 Gawad Galing Barangay nitong Huwebes, Oktubre 17 sa Hiyas ng Bulacan Convention Center, Lunsod ng Malolos, Bulacan.

Binabati ni StingRay ang Provincial Government of Bulacan sa maayos na pamamahala ni Gobernador Daniel R. Fernando dahil sa karangalang tinanggap bilang Top 1 Province in Local Source Revenues (LSR) in Nominal Terms for the Fiscal Year (FY) 2022 at Top 3 for FY 2023, mula sa Department of Finance.

Sa pamamagitan ni Provincial Treasurer Maria Teresa Camacho, nakamit ng Kapitolyo ang 2 titulo dahil na rin sa maayos na implementasyon ng koleksyon na nagbunga ng P2.4 bilyong local revenues noon 2022 at P2.2 bilyon noong 2023 mula sa tax revenues kasama ang real property tax, tax on business, at iba pang mga taxes, at non-tax revenues, kabilang ang regulatory fees, service or user charges, receipts mula sa economic enterprises at iba pang mga resibo.

Binabati rin natin si Obando Mayor Leonardo “Ding” Valeda, Municipal Administrator Jocelyn Garcia, at Business Permit and Licensing Office Chief Jonel Jacinto sa tinanggap na pagkilala mula sa Anti-Red Tape Authority o ARTA

Pinarangalan ang Pamahalaang Bayan ng Obando dahil sa epektibong pagpapatupad ng Electronic Business One-Stop Shop o eBOSS, dahilan para bumilis ang new application at renewal ng mga business licenses ng mga negosyanteng Obandenyo at magbunga nang pag-angat ng koleksyon ng lokal na pamahalaan.

Save the best for last ika nga, Congratulations Kap. Ruben Serrano ng Brgy. Catanghalan sa bayan pa rin ng Obando.

Naging finalist ang nasabing barangay sa Ika-23 Gawad Galing Barangay at itinaghal na Gawang Pambarangay Trailblazer dahil sa pagsasakatuparan ng mga proyektong nagtataguyod ng kaayusan at kapayapaan sa pamayanan.

Mga serbisyo publiko na kakikitaan ng seryoso at tunay na paglilingkod para sa kapakinabangan ng kanilang mga nasasakupan, na nararapat na maging ehemplo at dapat pamarisan ng mga nagnanais pumalaot sa larangan ng poltika. Congratulations po ulit Gov. Daniel, Mayor Ding at Kap Ruben, Mabuhay po kayo!